Friday , November 15 2024

Duterte iwas muna sa media interview

DAVAO CITY – Ayaw munang magpa-interview ni President-elect Rodrigo Dutete bilang sagot sa panawagang boykot sa kanyang press conference hangga’t hindi siya humihingi ng paumanhin kaugnay sa kanyang pahayag hinggil sa media killings, ayon sa kanyang spokesman kahapon.

“Unang-una, yun naman yung hiningi ng media,” pahayag ni Salvador Panelo.

Idinagdag niyang ang mga pahayag ni Duterte ay hindi lumalabas “as accurately as they should” sa media reports.

Tumanggi ang KBP na iboykot ang press conferences  ni Duterte.

Ayon kay Panelo, hindi pa niya masabi kung hanggang kailan iiwasan ni Duterte ang media interviews ngunit ang President-elect ay magiging “transparent” pa rin aniya sa kanyang mga aktibidad sa pamamagitan ng kanyang spokesman at iba pang appointees.

“Sa ngayon ‘yan ang kanyang patakaran,” aniya. “But then again, even assuming that to be, kahit na patagalan, wala pa rin namang kurtina na nakatakip o bintanang sinarado. Open pa rin e.”

Napikon si Duterte nang tanungin sa panayam nitong nakaraang linggo kaugnay sa panawagan ng international watchdog group na iboykot ng Filipino journalists ang press conference ng president-elect.

Nais ng Paris-based Reporters Sans Frontiers (RSF) na humingi ng paumanhin si Duterte sa pagsasabing marami sa mga journalist na napatay sa Filipinas ay mga bayaran at corrupt.

“Just because you’re a journalist, you are not exempted from assassination if you’re a son of a b****,” pahayag niya sa mga reporter nitong nakaraang linggo.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *