Monday , December 23 2024

Party-list & Representatives mula nga ba sa marginalized sector?

MAY pera na, mautak pa, gahaman pa.

‘Yan daw ang katangian ng ilang party-list representatives.

Kasi nga naman, ang konsepto ng party-list ay idinisenyo para sa marginalized sector. Para masiguro na mayroong boses ang marginalized sector sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Pero sa realidad, hindi po ito nangyari.

Malaking porsiyento kasi ng party-list representatives ay mga milyonaryo.

At ‘yan ang ipinagtataka natin.

Bakit pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na masalaula ang party-list system?

Mayroon ngang bagong party-list ‘yung 1PACMAN, hindi naman sportsman talaga ang representative kundi milyonaryo.

Bakit hindi isang tunay na sports man ang inilagay na kinatawan?

Kahit na milyonaryo kung isang gaya naman ni dating Senator Jaworski, aba ‘yan ang masasabi nating karapat-dapat.

Lalo na kung magsasalita pa siya laban sa pangongopo ng pondo ng sports commission at iba pang ilang indibidwal.

Ayusin ang programa para sa pagsasanay ng mga atleta, aba, panalo ‘yan!

Hindi gaya niyan, isang businessman na maraming interes sa gobyerno ang no. 1 representative ng nasabing party-list, ano ang mahihita ng mga atleta natin sa taong ‘yan?

Huwag rin natin kalimutan ‘yung LPGMA.

Kanino ba nagsisilbi ngayon ang LPGMA? At tipong hindi na napapalitan ng representative?

Ay sus!

President-elect Duterte, pakisuyod na nga po ‘yang sistema ng party-list…

Aba ‘e mukhang maraming traditional politicians (TRAPOs) ang nagkakanlong sa sistema ng party-list?

Sudsurin na ‘yan!

Anyare sa P150-M Full Body Scanners na inilagay NAIA T3?

MUKHANG nasayang lang ang P150 milyones ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagbili ng full-body scanner (German-made EQO model scanners) sa airport terminal ng bansa.

Kung hindi tayo nagkakamali, siyam na buwan na ang nakalilipas nang i-deliver sa NAIA ang nasabing equipment para regular na gamitin ng Office of Transportation Security (OTS) pero hanggang ngayon ay nakatengga pa rin.

Sa ulat, ang nasabing 14 units ay halos dalawang beses lang nagamit. Noong Agosto 2015, matapos i-install sa final security checkpoints ng apat na NAIA terminals; at nitong Marso (2015) nang ‘dumapo’ este dumalaw si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya para sa inspeksiyon.

Ang operasyon ng nasabing equipment ay direktang nakapailalim sa pangangalaga ng OTS, isang opisina na direktang nakapailalim sa Department of Transportation and Communications (DoTC).

Ito ang classic dito, nang tanungin daw si OTS Assistant Administrator Roberto Almadin kung bakit hindi pa rin ginagamit ang full-body scanner, ganito ang reply: “Kung hindi ginagamit, baka hindi pwede gamitin (If they are not being used, maybe it’s because they cannot be used).”

Kagaling ng sagot ‘no!?

Lumalabas pala na noong eskedyul ng training sessions na itinakda ng local distributor na Defense and Protection Systems Philippines Inc. (DPSPI), inisnab lang sila ng OTS.

Kaya ang nag-attend na lang ‘e ‘yung mga law enforcement units na nakabase sa NAIA.

Ayon sa isang OTS staff, ang tatlong scanner na naka-install sa NAIA Terminal 1 ay laging ‘out of order’ kaya laging inaayos.

At ayon mismo kay newly appointed NAIA Terminal 3 manager Ricardo Medalla Jr., ang limang scanner sa kanyang terminal ay hindi ginagamit ng OTS.

Ay sus!!!

President Duterte, baka puwedeg paki-check sa iyong pag-upo, kung anong nangyari sa P150 milyones mula sa taxpayers’ money?!

Wala lang?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *