Sunday , December 22 2024

Umatake at hamunin si Duterte — CMFR (Payo asa media tuwing coverage)

KASUNOD ng pahayag mula kay President-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa media killings, hinikayat ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) ang mga journalist  na laruin ang papel nang pagiging mapaghamon sa pag-cover sa kanya.

“We should not be defensive at all, we should be adversarial. That’s a basic aspect in the terms of engagement between a news subject and the media. You should be adversarial, you must be challenging, you must ask the pointed questions to get to the truth,” pahayag ni Vergel Santos, chairman ng CMFR Board of Trustees.

Ayon kay Santos, ang media ay naging “professionally under-reacting” sa hindi pagtatanong sa incoming chief executive nang higit na mapanghamong mga tanong, at aniya ang mga journalist ay nagulat sa kakaibang asal ni Duterte.

“They are taken with the novelty of the peculiarity of the man. They haven’t seen someone like this, someone in the presidency like this especially. They’re taken with the novelty,” pahayag niya sa ANC’s Dateline.

Ipinaalala rin niya sa mga journalist ang prinsipyo ng kanilang propesyon upang ma-cover nang epektibo si Duterte.

“You know how to cover a news subject. When he makes a sweeping statement, you ask him, ‘give me cases.’ If you are unclear of what he says, you tell him, ‘clarify, clarify [for] me, sir’,” aniya.

Ang ‘terms of engagement,’ aniya ay hindi dapat re-written ng news subject because “it is a tradition in a democracy, so long as we remain a democracy, the terms of engagement will be so.”

Dagdag niya, ang naganap na tawanan makaraan sipolan ni Duterte si GMA-7 reporter Mariz ay hindi lamang pagsang-ayon ng mga journalist na naroroon, kundi “really adding insult to injury.”

“I mean your own colleague is laughing at a remark with [glaring] sexist undertones. You don’t even ask him, ‘did you mean this?’ We all know what he meant when he said [that],” ayon kay Santos.

Nitong Martes, umani ng mga pagbatiko si Duterte makaraan sipolan si Umali bilang tugon sa tanong na inilatag ng reporter sa press conference sa Davao City.

Ngunit ipinaliwanag ni presidential spokesman Salvador Panelo, ang naging asal ni Duterte ay hindi maaaring ituring bilang imoral. Aniya, ipinakita lamang ng incoming president ang paghanga niya sa TV reporter.

Gayonman, hindi ito nagustuhan ng mister ni Umali na kapwa niya journalist na si Raffy Tima, sinabing ang asal ng president –elect ay “wrong in so many levels.”

Sa nasabing press conference, sinabi rin ni Duterte na ang napaslang na mga journalist ay napatay dahil sila ay corrupt, na pinalagan ng ilang media organizations.

Nagpahayag ng galit ang Paris-based Reporters Without Borders sa pahayag ni Duterte, kaya hinikayat ang journalist na iboykot ang press conference ng incoming president hangga’t hindi humihingi ng paumanhin.

Ngunit tumanggi ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na iboykot ang press conference, gayonman sumang-ayon na ang pahayag ni Duterte ay “unfortunate and dangerous.”

Samantala, sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), dapat alamin ni Duterte ang kalagayan ng media killings sa bansa.

Gayonman, igiit ni Santos, “with a character like Mr. Duterte, there necessarily will be a threat. How to take this news subject is our problem.”

“What I’m saying is that you can go on being what you should be, which is a challenging, a truth-seeking, and civil and decent practitioner. We don’t go down to the level of anyone who mocks all these nice traditions,” aniya.

“The main point is, we are not going to stop seeking the truth, we are not going to stop challenging authority, we are not going to be intimidated, we are not going to be indulgent absolutely. We are going to be what our public expects us to be,” aniya pa.

Whistling is my freedom of expression— Digong

BAHAGI ng ‘freedom of expression’ ang pagsipol ni incoming president Rodrigo Duterte kay GMA reporter Mariz Umali at wala aniyang puwedeng pumigil sa kanya na gawin ito.

“You know, you don’t have any business stopping me every time I (whistles). That is a freedom of expression. Parang you cajole with the woman. (whistles) ‘Miss, saan ka?’ As a matter of fact, when I first saw you [reporter who asked the question], I said (whistles),” ani Duterte sa isang press conference sa Davao City kamakalawa ng gabi.

“I was exasperated by the question. Whistling is not a sexual thing (whistles),” giit pa ng incoming president.

Umalma sa kanyang facebook page ang mister ni Umali na si Raffy Tima kaugnay sa ‘catcalling’ na ginawa ng incoming president sa kanyang misis sa harap mismo ng camera.

Habang ayon kay Umali, hindi niya inaasahan na hihingi ng apology ang kampo ni Duterte o ang mismong incoming president. Sa kabila nito, sinikap niyang ituloy pa rin ang kanyang trabaho bilang mediaman.

Sige magboykot kayo — Digong (Hamon sa media)

WALANG pakialam si incoming President Rodrigo Duterte kung i-boycott siya ng media dahil ayaw naman talaga niya ng publisidad.

“I do not want publicity, you know that. It would be good if you disappear… Mag-boycott na kayo. As a matter of fact, make this trip your last in Davao City. I do not care if there is nobody covering me,” giit ni Duterte.

Ang hamon ni Duterte ay bilang tugon sa panawagan ng international group na Reporters Without Borders (RSF) sa Philippine media na i-boycott siya kapag hindi humingi ng paumanhin hinggil sa pahayag na kaya pinapatay ang taga-media sa bansa ay dahil corrupt at biased.

“Huwag kayong pumunta. Make it a first in the history of this Republic. Do not cover me… PTV-4 na lang kayo makinig. I am asking you guys do not ever ever come back. I am telling the networks. Do not come here. I do not need you. I will just go around and tell the people that this is the program of government and you would know it,” dagdag ng incoming president.

Hinamon din niya ang mga reporter na ‘patayin’ na ang journalism sa Filipinas.

“As a matter of fact, I’m challenging you guys. Kill journalism. Stop journalism in the country. If you’re worth your salt, you should accept the challenge. Pagka hindi, mababa na ang tingin ko sa inyo. Para kayong takot,” paliwanag pa niya.

“I cannot stop you. If you do not want to come here, to boycott me, kill journalism here. Kung ayaw na ninyo magpunta, e di wala na journalism. How can I kill journalism?” diin pa niya.

“Ibig kong sabihin, ‘Wag ka na,’ If you want, you can kill journalism here. Then, I will rely on the government [media]. Because that is the threat. P***** i**,” dagdag ni Duterte.

3 Klase ng journalist tinukoy (Digong nangaral sa media)

DAVAO CITY – Nangaral si President-elect Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng media tungkol sa tatlong klase ng mga journalist.

Aniya, mayroon aniyang ‘crusaders’ na naghahanap at nagsasabi ng katotohanan.

Ikalawa, ang tinatawag niyang ‘mouthpiece’ na nagtatrabaho sa interest ng isang bagay gaya ng negosyo o politiko.

At ikatlo aniya ang ‘low life’ journalist o ‘yung tumatanggap ng pera mula sa ilegal, extortion at iba pa.

Nilinaw rin niya sa press conference kamakalawa ng gabi, hindi lahat nang napatay na journalists ay mga corrupt bagkus yaong mga nasa “low life” journalist.

Muli niyang iginiit na hindi siya hihingi nang paumanhin sa nauna niyang pahayag tungkol sa mga miyembro ng media na pinapatay.

Digong misunderstood sa media killings — Incoming DILG Chief

TINIYAK ni incoming DILG Sec. Mike Sueno, hindi pahihintulutan ni President-elect Rodrigo Duterte na iiral ang tinatawag na ‘culture of impunity’ o lantarang pagpatay sa mga mamamahayag.

Paglilinaw ito ni Sueno makaraan umani nang pagpuna at batikos ang naging pahayag ni Duterte na kaya napapatay ang ilang media personalities ay dahil sa katiwalian.

Sinabi ni Sueno, napapalaki lamang ang isyu at wala namang pahayag si Duterte na pagpapatayin na lang ang mga mamamahayag.

Ayon kay Sueno, hindi kukunsintihin ng Duterte administration ang pagpatay sa mamamahayag at dapat managot ang gagawa nitong mayor, gobernador o sino mang politiko.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *