Monday , December 23 2024

PNP panay na ang pasiklab ngayon?!

HINDI pa man opisyal na nakapanumpa at nakaupo si President-elect Rodrigo “Digong” Duterte, dumagsa na ang mga higop-sipsip at pa-elib na operations ng Philippine National Police (PNP).

Kapansin-pansin ang sunod-sunod na pagkakahuli ng malalaking bentahan ng illegal drugs, mga shabu laboratory na natitimbog, malalaking drug dealer, lokal man o dayuhan.

Ultimo mga piyaet-piyaet na pot session ay suyod na suyod ngayon ng pulisya.

 Ganoon din ang pagpapatupad ng curfew hour at mga umiinom sa kalsada. Talagang nagulat ang sambayanan lalo sa Metro Manila sa sipag ng mga pulis ngayon.

Iba talaga ang dating ni Pres. Digong Duterte!

‘Yung dati ngang mga tahimik na hepe ng pulisya, biglang nag-ingay at nambulabog ng mga komunidad sa area of responsibility (AOR) nila.

Kagulat-gulat! Kamangha-mangha!

‘Yun nga lang, hindi tayo mapabilib kasi alam naman natin na parang operation pakilala o papogi lang nila ‘yan ngayon.

Kasi, kung talagang seryoso ang PNP sa ginagawa nila ngayon alinsunod sa pahayag ng isang nagwaging presidente pero hindi pa opisyal na nauupo, bakit hindi nila ginagawa ‘yan noon pa?!

Lumalabas na matagal na nilang hawak ang mahahalagang detalye at impormasyon laban sa mga ilegalista lalo na ‘yung mga bigtime drug dealer pero hindi sila nag-i-execute ng operations para durugin ang mga ilegalista.

Take note po, Mr. President-elect, Mayor Digong.

Sabi n’yo nga, hindi kayo mag-i-interfere sa mga opisyal na itinalaga ninyo, dahil naniniwala kayo sa kanilang integridad at kre-dibilidad, kaya hahayaan ninyo silang gawin ang trabaho nila.

Hindi kayo manghihimasok hangga’t walang nagrereklamo…

Sa palagay ba ninyo, may magrereklamong mga mamamayan kung parang GESTAPO na nilulusob ng mga pulis ang kanilang mga komunidad?

‘Yun lang po sana ang gusto nating ‘ipasilip’ sa inyo, Mr. President. Laging may ‘open danger’ sa inyong mga pahayag…

Na puwedeng ma-misinterpret ng mga sinabi nga ninyo ay pinaniniwalaan ninyo ang integridad at kredibilidad.

Paano kung sila ang nagkamali ng ‘pick-up’ sa mensahe o utos ninyo?!

‘E di patay kang bata ka!

Sa PNP, gusto ng mamamayan ang mga seryoso at wastong pangangalaga sa “peace & order” hindi ‘yung tipong ‘OPLAN PAPOGI’ lang kay Mayor Digong.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *