Friday , November 15 2024

PNP panay na ang pasiklab ngayon?!

HINDI pa man opisyal na nakapanumpa at nakaupo si President-elect Rodrigo “Digong” Duterte, dumagsa na ang mga higop-sipsip at pa-elib na operations ng Philippine National Police (PNP).

Kapansin-pansin ang sunod-sunod na pagkakahuli ng malalaking bentahan ng illegal drugs, mga shabu laboratory na natitimbog, malalaking drug dealer, lokal man o dayuhan.

Ultimo mga piyaet-piyaet na pot session ay suyod na suyod ngayon ng pulisya.

 Ganoon din ang pagpapatupad ng curfew hour at mga umiinom sa kalsada. Talagang nagulat ang sambayanan lalo sa Metro Manila sa sipag ng mga pulis ngayon.

Iba talaga ang dating ni Pres. Digong Duterte!

‘Yung dati ngang mga tahimik na hepe ng pulisya, biglang nag-ingay at nambulabog ng mga komunidad sa area of responsibility (AOR) nila.

Kagulat-gulat! Kamangha-mangha!

‘Yun nga lang, hindi tayo mapabilib kasi alam naman natin na parang operation pakilala o papogi lang nila ‘yan ngayon.

Kasi, kung talagang seryoso ang PNP sa ginagawa nila ngayon alinsunod sa pahayag ng isang nagwaging presidente pero hindi pa opisyal na nauupo, bakit hindi nila ginagawa ‘yan noon pa?!

Lumalabas na matagal na nilang hawak ang mahahalagang detalye at impormasyon laban sa mga ilegalista lalo na ‘yung mga bigtime drug dealer pero hindi sila nag-i-execute ng operations para durugin ang mga ilegalista.

Take note po, Mr. President-elect, Mayor Digong.

Sabi n’yo nga, hindi kayo mag-i-interfere sa mga opisyal na itinalaga ninyo, dahil naniniwala kayo sa kanilang integridad at kre-dibilidad, kaya hahayaan ninyo silang gawin ang trabaho nila.

Hindi kayo manghihimasok hangga’t walang nagrereklamo…

Sa palagay ba ninyo, may magrereklamong mga mamamayan kung parang GESTAPO na nilulusob ng mga pulis ang kanilang mga komunidad?

‘Yun lang po sana ang gusto nating ‘ipasilip’ sa inyo, Mr. President. Laging may ‘open danger’ sa inyong mga pahayag…

Na puwedeng ma-misinterpret ng mga sinabi nga ninyo ay pinaniniwalaan ninyo ang integridad at kredibilidad.

Paano kung sila ang nagkamali ng ‘pick-up’ sa mensahe o utos ninyo?!

‘E di patay kang bata ka!

Sa PNP, gusto ng mamamayan ang mga seryoso at wastong pangangalaga sa “peace & order” hindi ‘yung tipong ‘OPLAN PAPOGI’ lang kay Mayor Digong.

‘Yun lang!

Comfort rooms sa NAIA T2 very uncomfortable!

Natanggap po natin ang mensaheng ‘yan mula sa ilang kaibigang foreigner at balikbayan.

Halos dalawang dekada na raw ang nakalilipas nang itayo ‘yang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, pero hindi yata naisip ng administrasyon ng Manila International Airport Authority (MIAA) na darating ang panahon na darami ang mga pasaherong gagamit ng comfort rooms.

Kasi ba naman, hindi na nadagdagan ng CR, hindi pa naging maayos ang maintenance…

Kaya kapag nagkakasabay-sabay ang pagdating at alis ng eroplano, humahaba nang husto ang pila sa mga CR lalo na sa female toilet.

Parang nakakita kayo ng pila sa mga sinehan.

Kasi nga hindi naisip na kailangan magdagdag ng cubicle.

At hindi lang pila ang pinag-uusapan diyan. Grabe rin ang masangsang na amoy at napakapanghot. Tapos ang tubig, now you see, now you don’t…

Wattafak!

International airport ba ‘yan?

Tapos sumasama ang loob natin kapag naihahanay tayo sa worst airport in the world?

Mukhang inatupag lang ng mga bossing diyan sa airport ay paramihin ang tindahan at negosyo ni Simon Wong at hindi ang comfort room na magagamit ng mga pasahero?!

Sonabagan!!!

Parang gusto tuloy namin maging GENE-RAL MANAGER ng MIAA si Digong Duterte…

Kahit anim na buwan lang, Mr. President, para naman maiangat natin ang ating airport sa buong mundo.

Wanna try, Mayor Digong?!

Reaction kay Pres. Duterte

Dear Sir,

Matunog na balita ngayon hinggil kay Pangulong Rody R. Duterte ang pagsalita niya laban sa media people at ang kanyang pagsipol sa isang lady reporter.

Talaga namang may mga reporters na naka-pay envelope sa isang organisasyon o sa isang politiko upang hindi lamang sila batikusin o bigyan sila ng magandang report o papuri.

Hindi ko po ito nilalahat. Katulad din po ito sa pagkasabi ni Pangulong Duterte na most of the reporters ay ganoon nga. Iba po ang gamit ng most of and almost or all of you. Kaya po huwag kayong magdamdam kung hindi naman kayo nasasagasaan.

Ang mga taong lampas na ng 70 ang edad ay talagang matindi kung humanga lalo na sa isang dilag.   Idadaan ito sa papito-pito o kaya naman lantarang magsasalita sa kanyang nararamdaman.

Huwag na po nating bigyan ng negative thoughts ang ginawa ng ating Pangulo sa pagsipol niya sa isang magandang lady reporter na may asawa man siya o wala.

Hindi po kabastusan iyon para sa kanya kundi isang matinding paghanga.

Alalahanin natin na laki siya sa kalsada. Kaya hanggang ngayon ay dala-dala pa niya ang pag-uugali ng isang kanto boy.

Pasasaan ba’y matututo rin ng kagandahang-asal ang ating Pangulo.

Brusko po siya dahil sa kanyang mga nakakasalamuha sa kanyang pag-ikot-ikot sa kanyang bayang nasasakupan.

Huwag po natin siyang husgahan sa kanyang tuwirang pagsasalita. Bagkus, husgahan natin siya sa kanyang mga gagawing pagkilos sa pamumuno ng ating bayan.

Kung mali ang kanyang pamamaraan, doon na tayo umalma. Bigyan natin siya ng pagkakataong magampanan niya ang kanyang ipinangakong – Change is coming.

PAMELA A. LANDICHO

Sta. Cruz, Davao del Sur.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *