Friday , November 22 2024

Matapang na pulis ni MDTEU Chief Supt. Olive Sagaysay dapat papurihan ni Erap!

Kung mayroong dapat parangalan na pulis si Yorme Erap, ‘yan ay walang iba kundi si SPO1 Yabut.

Isa kasi siyang pulis na magaling manindigan at hindi kayang sindakin ng reyna ng illegal terminal sa Lawton.

Mahigpit kasing ipinatutupad ni SPO1 Yabut ang utos ni Supt. Olive Sagaysay na huwag padaanin sa Quirino Highway ang mga bus mula sa probinsiya.

Isa kasi sa mga dahilan ng masikip na trapiko sa Taft Avenue ang mga bus mula sa southern Luzon.

Dapat kasi, hanggang doon lang sila Coastal Mall. Kaya nga mayroon nang mga garahe roon. Pero dahil gustong makauna sa mga pasahero kaya mayroong mga bus na gustong pumasok sa Maynila.

At ilan sila sa dahilan ng pagsisikip ng trapiko dahil wala naman silang legal na terminal sa Maynila.

Nagtatambakan sila sa illegal terminal sa Plaza Lawton kahit na ito’y para sa mga pedestrian. Kaya galit na galit ang tumbong ng reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton kay SPO1 Yabut.

Apektado kasi ang kolek-TONG kapag nababawasan ang mga bus na nakapapasok sa inaangkin niyang illegal terminal sa Plaza Lawton sa Maynila.

P300/P500 nga naman ang bayad kada bus sa kanyang illegal terminal. Kaya walang ibang ginagawa ngayon ang reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton kung hindi siraan at bakbakan sina SPO1 Yabut at Supt. Sagaysay kay Yorme Erap.

‘Yung pulis pa ang ipinamamaraling hindi siya kaya ni Erap? E sa totoo lang, ‘yang reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton ang madalas na gumagamit at sumisira sa pangalan ng Mayor ng Maynila.

As in, mahina raw ang P200,000 araw-araw na koleksiyon na ipinagyayabang nilang may kabahagi ang isang tanggapan di-yan sa city hall.

Arayku!

Mayor Erap, pakisapok nga ‘yang operator ng illegal terminal sa Lawton dahil lagi kayong ginagamit na panangga sa kawalanghiyaan niya!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *