Friday , November 15 2024

INC sumaklolo sa Mindanao (Kapatiran kontra kahirapan)

TUMAYONG simbolo ng lalo pang pagpapaigting ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa ideneklarang laban upang sugpuin ang kahirapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pagpapasinaya sa mga proyektong pabahay, eco-farming at lingap-pangkabuhayan na naglalayong iangat ang buhay ng mga katutubong Filipino (indigenous peoples o IP) sa Mindanao.

Sa pagtatapos ng nagdaang linggo, pinasinayaan ng Iglesia ang 500 housing units kasabay ng  paglulunsad ng eco-farming project at ng Unlad Garment Factory sa Brgy. Danlag, South Cotabato, sa pamamagitan ng isang natatanging pagsamba na pinangunahan ni INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo na sinundan din ng medical at dental missions para sa mga kasapi ng katutubong B’laan.

Umabot sa 15,000 ang kabuuang bilang ng food packs, 15 libong pares ng sapatos, ganoon din karaming sari-saring kasuotan at 5,000 laruan ang ipinamahagi sa mga B’laan na napiling benepisaryo at makikinabang sa 500 bahay na itinayo ng Iglesia sa kanilang komunidad.

Ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., kaisa umano ni President-elect Rodrigo Duterte ang Iglesia Ni Cristo sampu ng iba pang mga denominasyong pangrelihiyon sa laban ng bansa upang sugpuin ang kahirapan na dapat harapang suungin sa lahat ng dako ng bansa, lalong-lalo sa Mindanao.

Paliwanag ni Santos, ito ang dahilan kung bakit nagpasya ang INC na paigtingin nang husto ang pagpapatuloy ng halos lingguhan nilang outreach program sa mahihirap na komunidad sa buong kapuluan, na nakatuon sa mga pamayanan ng iba’t ibang indigenous peoples o katutubong Filipino.

“Magkatambal ang layunin ng aming mga proyektong Lingap: ang ipaabot ang pag-aarugang espiritwal kabalikat ng pampunong tulong sa materyal nilang pangangailangan. Para sa Iglesia, ang pinakaepektibong paraan upang lapatan ng lunas ang malawak na paghihikahos sa bansa ay harapang suungin at tuwirang sugpuin. Kung ang kasuwapangan ang isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan, ang bukas-palad na kabutihang loob ang mabisang lunas, at ang INC ay pinagpalang magsilbing daluyan ng mga biyayang ito na lubos ang pangangailangan dito,” ayon kay Santos.

Sinabi ng opisyal ng INC, patuloy umano ang pagdating sa kanilang mga tanggapan ng mga kahilingan, maging sa mga hindi kaanib ng Iglesia sa Luzon, Visayas at Mindanao at, ayon kay Santos, tinutugunan umano ng Iglesia ang bawat ipinaaabot na pakiusap nang hindi alintana ang relihiyong kanilang kinabibilangan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *