Friday , November 15 2024

Robin Padilla magpapabitay kay Duterte kapag totoo (Dating bahay shabu lab)

NAPIKON ang aktor na si Robin Padilla sa pagkakadawit ng kanyang pangalan kaugnay sa big time drug bust operation na nagresulta sa pagkakakompiska sa mahigit P1 bilyong halaga ng liquid shabu.

Una rito, iniulat ng TV station GMA at online website ng pahayagang Inquirer, na dating pagmamay-ari ni Robin ang nasabing bahay na naging shabu laboratory sa isang residential property sa Angeles City, Pampanga.

Ibinenta raw ang naturang residential property ng tinaguriang bad boy ng Philippine showbiz sa isang abogado na si Atty. Pangilinan na siya ngayong nagpaparenta.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, hinamon ni Robin ang nabanggit na TV station at online website, sinabing kapag napatunayang totoo ang kanilang ulat ay mismong siya ang hihiling kay incoming president-elect Duterte na siya raw ang unang bitayin sa pag-upo bilang pangulo.

“Kapag napatunayan na totoo ang sinabi ng Inquirer at ng GMA news patungkol sa akin, hihilingin ko kay Mayor Duterte na ako ang unang bitayin niya sa kanyang pag-upo bilang Pangulo,” saad ni Padilla.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *