Sunday , December 22 2024

Gatchalians, Pichay idiniin sa P80-M irregular bank deal

IPINATUTULOY ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang mga kaso laban sa mga personalidad sa likod ng kuwestyonableng pagbili sa local thrift bank sa Laguna.

Ayon sa resolusyon ng anti-graft body, may nakitang probable cause para tuluyang kasuhan sa Sandiganbayan ang mga dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at Express Savings Bank Inc. (ESBI).

Nabatid na nabili ang naturang naluluging banko sa kabila nang kakulangan ng ‘requisite regulatory approvals’ mula sa Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance (DOF) at Office of the President (OP).

Umaabot sa P80 milyon ang ibinayad ng LWUA sa may-ari ng banko para sa naturang deal.

Kabilang sa pinakakasuhan ng Ombudsman sina dating LWUA chief Prospero Pichay Jr., Eduardo Bangayan, Aurelio Puentevella, Enrique Senen Montilla III, Wilfredo Feleo, Daniel Landingin at Arnaldo Espinas; WGI executives Sherwin Gatchalian, Dee Hua Gatchalian, William Gatchalian, Elvira Ting, Kenneth Gatchalian at Yolanda Dela Cruz; FPI executives Peter Salud, Geronimo Velasco, Jr., Weslie Gatchalian, Rogelio Garcia, Lamberto Mercado, Jr., Evelyn dela Rosa, Arthur Ponsaran at Joaquin Obieta.

Samantala, damay rin sina ESBI executives George Chua, Gregorio Ipong, Generoso Tulagan, Wilfred Billena at Edita Bueno para sa tatlong bilang ng paglabag sa Section 3(e) of Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), tatlong kaso ng malversation at paglabag sa Republic Act No. 8791 (General Banking Law of 2000) at Manual of Regulation for Banks.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *