Friday , November 22 2024

Bagong GM ng MIAA inaabangan na ng mga empleyado

KAMAKALAWA, habang on-air ang press conference ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte sa telebisyon, pinilit ng mga empleyado sa Manila International Airport Authority (MIAA) na tutukan ang news reports.

Iyon kasi ang kauna-unahang press conference na iniharap ni President-elect, Mayor Digong ang kanyang Gabinete.

Dahil tiniyak ni Mayor Digong  na sagot niya ang integridad at kredibilidad ng kanyang mga itinalagang Gabinete, wala tayong naririnig na pagtutol.

Isa lang ang tiyak natin, mukhang magaling sa numero si Mayor Digong dahil klaro ang balanse ng iba’t ibang puwersa sa loob ng kanyang Gabinete.

Pero mayroong ikinadesmaya ang mga empleyado sa NAIA, bakit walang itinalagang bagong general manager ng MIAA?!

Kunsabagay, klaro naman ang pahayag ng bagong Pangulo, hindi siya mag-i-interfere o makikilalam sa trabaho ng mga itinalaga niyang Gabinete, as long na walang nagrereklamo.

Kaya siguro, ipinauubaya na ni Mayor Digong kay Transportation and Communication Secretary Arthur Tugade ang pagpili kung sino ang itatalaga niyang general manager ng MIAA.

Ibig sabihin, maghihintay pa talaga hanggang Hunyo 30, ang mga empleaydo sa Airport kung sino ang ipapalit kay GM Angel “Bodet” Honrado sa ilalim ng bagong administrasyong Duterte.

Hindi kaya naaalibadbaran si GM Bodet na kahit nariyan pa siya at hindi pa pinapalitan ay tahasang ipinakikita at ipinararamdam na ng mga empleyado na sana ay umalis na siya at huwag nang hintayin ang Hunyo 30?

‘Yan talaga ang masaklap diyan.

Huwag kalilimutan na kapag nagtanim ng ‘hangin’ tiyak na bagyo ang aanihin.

At ‘yan na ang bagyo, dumarating na sa buhay ng mga nagtanim ng hangin.

E ‘di good luck na lang, GM Bodet, on your next endeavour!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *