Friday , November 15 2024

Bagong GM ng MIAA inaabangan na ng mga empleyado

KAMAKALAWA, habang on-air ang press conference ni President-elect Rodrigo “Digong” duterte sa telebisyon, pinilit ng mga empleyado sa Manila International Airport Authority (MIAA) na tutukan ang news reports.

Iyon kasi ang kauna-unahang press conference na iniharap ni President-elect, Mayor Digong ang kanyang Gabinete.

Dahil tiniyak ni Mayor Digong  na sagot niya ang integridad at kredibilidad ng kanyang mga itinalagang Gabinete, wala tayong naririnig na pagtutol.

Isa lang ang tiyak natin, mukhang magaling sa numero si Mayor Digong dahil klaro ang balanse ng iba’t ibang puwersa sa loob ng kanyang Gabinete.

Pero mayroong ikinadesmaya ang mga empleyado sa NAIA, bakit walang itinalagang bagong general manager ng MIAA?!

Kunsabagay, klaro naman ang pahayag ng bagong Pangulo, hindi siya mag-i-interfere o makikilalam sa trabaho ng mga itinalaga niyang Gabinete, as long na walang nagrereklamo.

Kaya siguro, ipinauubaya na ni Mayor Digong kay Transportation and Communication Secretary Arthur Tugade ang pagpili kung sino ang itatalaga niyang general manager ng MIAA.

Ibig sabihin, maghihintay pa talaga hanggang Hunyo 30, ang mga empleaydo sa Airport kung sino ang ipapalit kay GM Angel “Bodet” Honrado sa ilalim ng bagong administrasyong Duterte.

Hindi kaya naaalibadbaran si GM Bodet na kahit nariyan pa siya at hindi pa pinapalitan ay tahasang ipinakikita at ipinararamdam na ng mga empleyado na sana ay umalis na siya at huwag nang hintayin ang Hunyo 30?

‘Yan talaga ang masaklap diyan.

Huwag kalilimutan na kapag nagtanim ng ‘hangin’ tiyak na bagyo ang aanihin.

At ‘yan na ang bagyo, dumarating na sa buhay ng mga nagtanim ng hangin.

E ‘di good luck na lang, GM Bodet, on your next endeavour!

Naputol na ba ang C.M. Recto sa Divisoria?

Nagulat tayo kamakalawa nang mapadaan sa kanto ng Reina Regente ng C.M. Recto.

Dati kung pupunta ng Divisoria, puwede nang kumaliwa mula sa Reina Regente.

Aba, nagulat tayo dahil hindi na pala puwedeng kumaliwa dahil ‘putol’ na ang C.M. Recto. Puno na ng ‘hawla’ ang C.M. Recto mula sa kanto ng Reina Regente pakaliwa sa Tutuban.

Noong bata pa ang inyong lingkod, natatanaw pa namin ang dulo ng C.M. Recto hanggang sa Asuncion/M.de Santos. Pero ngayon, mukhang ang dulo ng C.M. Recto ay sa Reina Regente at Abad Santos na lang.

Bukod sa hindi makita ang karugtong ng C.M. Recto at Abad Santos, sayang din ang traffic light sa intersection na ‘yan dahil ang nagtatakda ng stop & go ng mga jeepney sa rutang ‘yan ay ang mga ‘striker’ ng traffic police at MTPB.

‘Yung mga ‘striker’ na siyang nangongolekta sa mga jeepney driver saka ihahatag sa traffic police na ‘tongpats.’

Sonabagan!!!

Kaya huwag na tayong magtaka kung bakit barado ang intersection  na ‘yan (Reina Regente corner C.M. Ave.) gayong may traffic light, may traffic police at mga mga kagawad pa ng MTPB?!

Kailan kaya sila madu-Duterte!?

Mga Mainland Chinese namamayagpag sa Batangas

Dear Sir,

Noon pong nagbakasyon ako sa aming probinsya sa Batangas nitong nakaraang Linggo ay kapuna-puna ang mga naglipanang mga Intsik sa aming barangay. Ito po kaya  ay alam ng ating Bureau of Immigration at  Department of Trade and Industry?  Kasi po ang ilan sa kanila ay nagtatag ng iba’t ibang negosyo.

Kapuna-puna rin po na hindi sila marunong magsalita ng ating lenggawahe. Hindi alam kung saan nanggagaling ang kanilang mga produktong ibinibenta. Kung sino ang namumuhunan dahil ang laki po ng kamurahan ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Halos po wala nang bumibili sa mga pamilihan ng bayan dahil sa pagdagsa ng mga produkto. Malaki pong kawalan sa mga negosyanteng Filipino sa nasabing lugar.

Tanong ko lang po kung ang mga produktong ito ay dumaan sa mga kinaukulang ahensiya ng gobyerno?   Kung ito ay may mga kaukulang permit sa pagpasok ng kanilang kalakal o maging ang mga Intsik mismo? Sana po matingnan ito kaagad ng ating mga awtoridad bago tayo madagsaan ng bagong hanay ng mga Intsik na pumupunta sa ating bansa na halatang walang working permit.

ROSARIO  A.  TAMAÑO

Sto. Antonio Village, Makati City

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *