Monday , December 23 2024

Paputok ng Saycon’s whistleblower ‘Supot’

RELATIBO raw ang maraming bagay sa mundo gaya ng ‘katotohanan.’

Minsan kasi ang ‘katotohanan’ ay depende sa kredebilidad ng nagsasalita.

Kahit na totoong-totoong ay pinagdududahan pa rin kung ang nagsasalita ay walang kredebilidad.

Gaya ng tatlong ‘whistleblower’ na iniharap ni Pastor Saycon, nagpapakilala ngayong secretary-general ng Council of Philippine Affairs (ano raw?).

Ibinunyag ng isa sa tatlong whistleblower ni Saycon na nagpakilalang isang Ka Bert, miyembro umano ng Iglesia Ni Cristo (INC), na ‘niyari’ ang mga boto nina VP Jojo Binay at Senator Grace Poe para ipatong sa boto ni Mar Roxas, habang sa vice presidential race pinakamalaki raw ang nayaring boto kay Sen. Bongbong Marcos para idagdag sa boto ni Leni.

Ang nakapagtataka rito, bakit ngayon lang nagsasalita ang mga whistleblower kung kailan proklamado na sina President-elect Rodrigo Duterte at Madam Leni Robredo kamakalawa?

Idinidetalye pa kung paano raw niyari ang mga boto sa Quezon sa vote counting machine.

Talaga naman kahindik-hindik at tila totoong nangyari ang ginawang pagdedetalye ni “Ka Bert” pero nang tanungin sila kung mayroon ba silang ebidensiya, ang sagot nila, WALA.

Paano tatayo sa korte ang ganyang pag-amin kung kahit isang detalye ay wala?!

Marami tuloy ang nag-iisip na ang ginagawa ni Saycon ay isang uri ng overkill operations.

‘Yun bang tipong kapag nagkaroon na ng matibay na ebidensiya ay na-overkill na ang ‘isyu’ kaya hindi na paniniwalaan.

Pero sana lang, magkaroon ng independent body na mag-iimbestiga sa nasabing mga alegasyon nang sa gayon ay magkaroon ng matibay na basehan ang kasalukuyang administrasyon na ang kasalukuyang kakontrata ng Commission on Elections (Comelec) na Smartmatic ay hindi katiwa-tiwala para makapaglunsad ng isang malinis, maayos at may kredebilidad na eleksiyon sa ating bansa.

Hindi ito para sa kung kaninong politiko kung hindi para sa kasagradohan ng ating eleksiyon at proteksiyon sa sagradong boto ng bawat mamamayan.

For the meantime, sorry, Mr. Saycon dahil mukhang supot na naman ang iyong whistleblowers.

Hindi lang natin alam kung ‘yun ba talaga ang iyong layunin, ‘maging’ supot ang katotohanan?!

Parang kanta lang ni Gary V, an’dyan ka na naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *