Paputok ng Saycon’s whistleblower ‘Supot’
Jerry Yap
June 1, 2016
Opinion
RELATIBO raw ang maraming bagay sa mundo gaya ng ‘katotohanan.’
Minsan kasi ang ‘katotohanan’ ay depende sa kredebilidad ng nagsasalita.
Kahit na totoong-totoong ay pinagdududahan pa rin kung ang nagsasalita ay walang kredebilidad.
Gaya ng tatlong ‘whistleblower’ na iniharap ni Pastor Saycon, nagpapakilala ngayong secretary-general ng Council of Philippine Affairs (ano raw?).
Ibinunyag ng isa sa tatlong whistleblower ni Saycon na nagpakilalang isang Ka Bert, miyembro umano ng Iglesia Ni Cristo (INC), na ‘niyari’ ang mga boto nina VP Jojo Binay at Senator Grace Poe para ipatong sa boto ni Mar Roxas, habang sa vice presidential race pinakamalaki raw ang nayaring boto kay Sen. Bongbong Marcos para idagdag sa boto ni Leni.
Ang nakapagtataka rito, bakit ngayon lang nagsasalita ang mga whistleblower kung kailan proklamado na sina President-elect Rodrigo Duterte at Madam Leni Robredo kamakalawa?
Idinidetalye pa kung paano raw niyari ang mga boto sa Quezon sa vote counting machine.
Talaga naman kahindik-hindik at tila totoong nangyari ang ginawang pagdedetalye ni “Ka Bert” pero nang tanungin sila kung mayroon ba silang ebidensiya, ang sagot nila, WALA.
Paano tatayo sa korte ang ganyang pag-amin kung kahit isang detalye ay wala?!
Marami tuloy ang nag-iisip na ang ginagawa ni Saycon ay isang uri ng overkill operations.
‘Yun bang tipong kapag nagkaroon na ng matibay na ebidensiya ay na-overkill na ang ‘isyu’ kaya hindi na paniniwalaan.
Pero sana lang, magkaroon ng independent body na mag-iimbestiga sa nasabing mga alegasyon nang sa gayon ay magkaroon ng matibay na basehan ang kasalukuyang administrasyon na ang kasalukuyang kakontrata ng Commission on Elections (Comelec) na Smartmatic ay hindi katiwa-tiwala para makapaglunsad ng isang malinis, maayos at may kredebilidad na eleksiyon sa ating bansa.
Hindi ito para sa kung kaninong politiko kung hindi para sa kasagradohan ng ating eleksiyon at proteksiyon sa sagradong boto ng bawat mamamayan.
For the meantime, sorry, Mr. Saycon dahil mukhang supot na naman ang iyong whistleblowers.
Hindi lang natin alam kung ‘yun ba talaga ang iyong layunin, ‘maging’ supot ang katotohanan?!
Parang kanta lang ni Gary V, an’dyan ka na naman!
Atty. Salvador Panelo ‘inupakan’ ni Senate-Elect Madam Leila de Lima
UNA, nais nating batiin si senate-elect, former SOJ Leila De Lima.
Congratulations Madam!
Kumbaga sa larong jolens, kulto-finish ka. Swak sa banga dahil naipagpag mo si former MMDA chair Francis Tolentino.
By the way, pinag-uusapan na raw ngayon sa Senado kung paano lalagyan ng timer ang microphone sa plenary hall dahil tiyak raw raratrat nang raratrat ka kapag nasa session kayo.
Ngayon pa lang nga raw ‘e pinagpaparektisan na ninyo si Atty. Sampanelo ‘este’ Salvador Panelo dahil panay ang upak ninyo na hindi siya karapat-dapat maging press secretary ni President-elect Digong Duterte dahil sa pagkakasangkot niya sa pamilya Ampatuan na numero unong suspek sa Maguinadanao massacre.
Uy! Parang bigla naman kaming na-touch sa sinabi ninyo Madam.
Bigla kayong naging concern sa Maguindanao massacre?!
E noong kayo nga ang Secretary of Justice, hindi namin nakita na nagkaroon kayo ng significant move para maramdaman ng mga pamilya ng mga biktima na may ginagawa ang pamahalaan para mabilis na maigawad ang katarungan.
Ilan beses bang nagpalit ng panel of prosecutors habang nililitis ang kasong ‘yan Sen. De Lima?
Hindi lang sa Maguindanao massacre, marami kaming inilapit na kaso ng media killings sa inyo pero parang wala lang.
Natapos at natapos ang termino ng daang tuwad ‘este’ matuwid pero hindi man lang namin naramdaman na may halaga ang mga mamamahayag sa administrasyong ito.
Tapos ngayon kung banatan ninyo si Sampanelo ‘este’ Atty. Panelo ‘e parang wagas na wagas ang iyong pagkalinga sa mga mamamahayag.
O sige nga, dare!
Pangunahan ninyo bilang senador ang pagsusulong at pag-aapruba ng Freedom of Information (FOI) Bill.
Kalampagin na rin n’yo ang Judge na lumilitis sa kaso ng Maguindanao massacre at iba pang media killings.
Baka sakali, madagdagan ang ‘bilib’ namin sa inyo.
‘Yun lang ho!
Ang libro ni Mison, bow!
MARAMI raw ang muntik nang mabilaukan matapos maglabas ng kanyang sariling libro si Pabebe boy Miswa ‘este’ Mison na ang titulo ay 7 Attributes of a Servant Leader.
Nilalaman daw kasi ng nasabing libro ang tungkol sa kanyang mga exploits kuno noong siya ay hindi pa nasisipa bilang commissioner ng BI.
Kesyo nasa libro raw kung paano niya nilabanan ang korupsiyon at kung papaano niya pinatakbo nang maayos ang kanyang minamahal kuno na kagawaran.
Hahaha!
Sa madaling salita puro pagbubuhat ng bangko ang ‘exploits’ ni Mr. white hair sa kanyang libro.
Bwahahaha!
Talagan sumakit ang tiyan namin sa lakas ng tawa!
Sino naman kaya ang maniniwala kay Pareng Fred? E ‘di ang mga nakinabang lang sa kanya noong hindi pa siya pinatatalsik sa bureau?
Simple lang naman ang eksplanasyon tungkol dito.
Kung talagang napatakbo niya nang maayos at tama ang Bureau, bakit kinakailangan pa siyang sipain sa kanyang puwesto ni Pnoy?
Hindi naman siguro “eng-eng” ang isang Pangulo ng bansa kung nakitang tama ang kanyang ginagawa di ba?
Meron kayang hindi aayon sa statement na ‘yan?
Bakit tila nakalimutan yatang banggitin ni Miso ‘este’ Mison na siya lang ang natatanging commissioner na makailang beses natakasan ng isang puganteng Koreano?!
Hindi rin yata nabanggit sa librong ito kung ilang fugitives ang nakatakas noong panahon niya?
Tama o mali?
E paano naman kaya ang greatest accomplishment niya nang tuluyang matanggalan ng overtime pay ang lahat ng empleyado?
Imagine halos sampung commissioners na ang nagdaan mula nang nagkaroon ng OT pay ang mga empleyado pero sa panahon ni Miswa tuluyang natsugi ang OT.
Wattapak?!
Hindi lang ‘yan.
Hindi rin yata niya nabanggit sa libro na siya lang ang natatanging commissioner na nakatikim ng katakot-takot na demanda mula sa mga naging tao niya?
Juice colored!
Hindi rin yata nasulat sa libro niya na sinupalpal ng Civil Service Commission ang ginawa niyang drop from the roll sa mga pinag-initan niyang empleyado?
Pati ang ginawa niyang geographical reshuffle na nakaapekto nang malaki sa mga pamilya ng BI employees ay illegal, ayon sa CSC.
Kung iisa-isahin pa natin ang naging kapalpakan nitong si pabebe Mison, baka kulangin ang mga pahina ng Hataw!
Balita natin blockbuster daw ang launching ng nasabing libro ni expelled ‘este’ ex-commissioner?
Hindi raw lalampas sa sampu katao ang nagtiyagang mag-attend sa kanyang book launching sa pangunguna ng kanyang protégé na si Atty. Elaine Tan?
E bakit tila absent yata sa kanyang book launching si lalabs lady Valerie?
Hindi kaya siya kombinsido sa “fairy tales” ng kanyang lolo kaya absent siya?
Bwahahahahha!
Sa kagustuhan daw ng mama na mabasa ng mga taga-Bi ang kanyang obra maestra, buong pusong ipinamigay daw nang LIBRE?!
Eeeww!!!
Kaya pala walang mabili sa bookstores?
Sir Fred, padalhan mo naman kami ng libreng libro mo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com