Friday , November 15 2024

Lola kritikal sa taga ni lolo dahil sa selos

KORONADAL CITY – Nasa kritikal na kondisyon ang isang lola makaraan pagtatagain ng kanyang mister sa bayan ng Banga, South Cotabato dakong 10:30 p.m. kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Carmen Gonzales, 66, habang ang suspek ay si Abraham Gonzales, 73, kapwa residente sa Purok Daisy, Brgy. Malaya, Banga, South Cotabato.

Ayon kay Jomar Gonzales, apo ng mag-asawa, nagselos si Lolo Abraham kay Lola Carmen na pinagmulan ng pagtatalo ng dalawa hanggang humantong sa pagkuha ng patalim ng suspek at pinagtataga ang biktima.

Agad isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital ang biktimang apat beses na tinaga ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, agad naaresto si Lolo Abraham at nakakulong na ngayon sa lock-up cell ng Banga PNP.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *