Saturday , November 16 2024

Illegal recruiter binitbit sa pulisya ng 50 biktima

BINITBIT ng tinatayang 50 katao ang isang hinihinalang illegal recruiter sa Barbosa Police Community Precint sa Maynila makaraan mabigong maibigay ang kanilang mga ticket at visa papuntang Dubai kahapon ng madaling araw.

Dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Mayna Anip Sharip, 41, ng Maguindanao, habang pinaghahanap  ang isa pang suspek na si Wanie Ahmad Alcala, isang tomboy, at sinasabing manager sa isang kompanya sa Dubai.

Ayon sa isa sa mga biktima na si Wahid Mohammad Angniei, 30, ng Marawi City, nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 40 nilang kasamahan nang matuklasan na wala silang tiket at visa papunta sa Dubai.

Nagtataka rin aniya sila kung bakit ang ticket na ibinigay sa kanila ay xerox copy at pare-pareho ng seat number.

Nang kanilang alamin sa Immigration sa NAIA kung may 12 a.m. flight papuntang Malaysia, natuklasan nila na may mga mga pasahero nang umookupa  sa kanilang seat number.

Napag-alaman, P10,000 hanggang  P25,000 ang placement fee na ibinayad ng mga biktima upang makapagtrabaho bilang saleslady, waiter at waitress sa Dubai.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *