Friday , November 22 2024

Ang shortlived na ‘medi-card’ ni P’que Rep. Gus Tambunting

ISANG linggo matapos ang eleksiyon nakatangap tayo ng snail mail (sulat sa pamamagitan ng Koreo).

Nang buksan natin ang sulat, polyeto mula kay Congressman Gus Tambunting ang laman. Polyeto na mababasa ang kanyang talambuhay at mga nagawa bilang mambabatas.

Nakaipit po rito ang GUS Health Card na nakapangalan sa inyong lingkod at sa iba pang botante sa aming bahay.

Nakasulat sa likod ng card na ang card-bearer ay para lamang sa nakapangalan at hindi maaaring gamitin ng ibang tao.

Ang may-ari ng card ay maaari umanong makakuha ng FREE hospitalization sa mga accredited na ospital gaya sa Ospital ng Parañaque, Las Piñas Hospital & Satellite Trauma Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, East Avenue Medical Center, Philippine Orthopedic Center, San Lazaro Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Lung Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, National Center for Mental Health at National Kidney and Transplant Institute.

Ang may-ari ng card ay makakukuha rin daw ng FREE Medical Assistance Program. Ang card umano ay hindi ipinagbibili at kung mayroong katanungan maaaring makipag-ugnayan sa teleponong nakasulat doon.

Wow! Natuwa naman tayo bagama’t alam natin na ang mga tinukoy na ospital sa health card ay mga pampublikong ospital at talaga namang libre ang pagpapagamot at pagpapa-ospital doon.

Maliban kung ang pasyente mismo ang nagsabi na gusto niyang ma-confine sa payward.

Anyway, naisip pa rin natin na baka mai-priority kapag nakitang may hawak na GUS Health Card kaya nakapagpasalamat pa rin naman tayo.

Ang siste, nang mabasa natin ang harapan ng card, nakita natin may EXPIRATION DATE pala ang nasabing GUS Health Card.

Wattafact?!

Ang nabasa natin, VALID UNTIL JUNE 2016 lang! Arayku!

Muntik na tayong malaglag sa upuan at mapasigaw. Hindi natin alam kung sobrang kupad talaga ng Koreo sa atin at isang linggo matapos ang election bago natin natanggap ang propaganda/sulat ni Congressman Gus.

Talaga namang snail mail ‘yan o!

Gusto tuloy natin tanungin, bahagi ba ito ng campaign tactics ng kampo ni Congressman Gus?!

Hindi n’yo man lang ginawang kahit anim na buwan.

Ay sus!

Mantakin ninyong pag-upong pag-upo ng bagong administrasyon ‘e, expired agad ‘yung GUS health card?!

Halata tuloy na ginamit lang ang medical card sa kanyang papoging kampanya?!

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *