Friday , November 15 2024

Ang shortlived na ‘medi-card’ ni P’que Rep. Gus Tambunting

ISANG linggo matapos ang eleksiyon nakatangap tayo ng snail mail (sulat sa pamamagitan ng Koreo).

Nang buksan natin ang sulat, polyeto mula kay Congressman Gus Tambunting ang laman. Polyeto na mababasa ang kanyang talambuhay at mga nagawa bilang mambabatas.

Nakaipit po rito ang GUS Health Card na nakapangalan sa inyong lingkod at sa iba pang botante sa aming bahay.

Nakasulat sa likod ng card na ang card-bearer ay para lamang sa nakapangalan at hindi maaaring gamitin ng ibang tao.

Ang may-ari ng card ay maaari umanong makakuha ng FREE hospitalization sa mga accredited na ospital gaya sa Ospital ng Parañaque, Las Piñas Hospital & Satellite Trauma Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, East Avenue Medical Center, Philippine Orthopedic Center, San Lazaro Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Lung Center, Philippine Children’s Medical Center, National Children’s Hospital, National Center for Mental Health at National Kidney and Transplant Institute.

Ang may-ari ng card ay makakukuha rin daw ng FREE Medical Assistance Program. Ang card umano ay hindi ipinagbibili at kung mayroong katanungan maaaring makipag-ugnayan sa teleponong nakasulat doon.

Wow! Natuwa naman tayo bagama’t alam natin na ang mga tinukoy na ospital sa health card ay mga pampublikong ospital at talaga namang libre ang pagpapagamot at pagpapa-ospital doon.

Maliban kung ang pasyente mismo ang nagsabi na gusto niyang ma-confine sa payward.

Anyway, naisip pa rin natin na baka mai-priority kapag nakitang may hawak na GUS Health Card kaya nakapagpasalamat pa rin naman tayo.

Ang siste, nang mabasa natin ang harapan ng card, nakita natin may EXPIRATION DATE pala ang nasabing GUS Health Card.

Wattafact?!

Ang nabasa natin, VALID UNTIL JUNE 2016 lang! Arayku!

Muntik na tayong malaglag sa upuan at mapasigaw. Hindi natin alam kung sobrang kupad talaga ng Koreo sa atin at isang linggo matapos ang election bago natin natanggap ang propaganda/sulat ni Congressman Gus.

Talaga namang snail mail ‘yan o!

Gusto tuloy natin tanungin, bahagi ba ito ng campaign tactics ng kampo ni Congressman Gus?!

Hindi n’yo man lang ginawang kahit anim na buwan.

Ay sus!

Mantakin ninyong pag-upong pag-upo ng bagong administrasyon ‘e, expired agad ‘yung GUS health card?!

Halata tuloy na ginamit lang ang medical card sa kanyang papoging kampanya?!

Tsk tsk tsk…

Batangas Mayor naka-jackpot ng P30 milyones sa slot machine

Napakasuwerte naman talaga ng isang Batangas mayor.

Nanalo na nitong nakaraang eleksiyon, naka-JACKPOT pa ng tumataginting na P30 milyones sa DU FUO DU CAI slot machine.

Mantakin n’yo ‘yun?!

Kunsabagay, hindi rin naman biro ang puhunan ni Yorme bago niya tinamaan ang jackpot.

Tumosgas din siya ng P2 milyones noong gabing ‘yun bago niya ‘natodas’ ang jackpot na P30 milyones sa slot machine sa isang casino nitong nakaraang linggo.

Medyo malapit na nga raw maubos ang P2 milyong puhunan ni Yorme.

Pero sa huling P50,000 (fifty thousand pesos), sumuka at pumutok ang slot machine ng halagang P30 milyones.

Hindi lang basta suwerte si Yorme, may ibang klase siyang sistema na ang probability ay 89.9 percent.

Sinira ng sistemang ‘yan ni Yorme maging ang mahuhusay na statistician.

Medyo kabisado na kasi ni Yorme kapag ‘buntis’ na ang ‘slot machine.’

At kapag alam niyang bibigay na, saka niya ito lalaruin.

Kaya kahit mamuhunan pa siya ng sobra sa P2 milyones kung malapit nang sumuka ang slot machine, tiyak sobrang-sobra sa kanyang puhunan ang kanyang jackpot.

Ganyan kagaling si Yorme at ang kanyang esmi sa pag-i-slot machine.

Napakasuwerte naman ng constituents ni Batangas mayor kung sila ay mabibigyan ng balato.

Ala e, ijekjek (as in mamigay ng balato kahit konti lang) mo naman ang mga bumoto sa iyo Yorme!

By the way, alam n’yo ba kung bakit buenas si Yormer?

Aba, balita natin ‘e olat ang sinuportahan niyang gobernador pero siya landslide ang panalo.

Ang sabi-sabi ‘e naka-bile ‘ga ng suwerte si Yorme?! Huli mo ‘ga suki?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *