Is Manila the next dangerous place against media people?
Jerry Yap
May 29, 2016
Opinion
TILA hinahamon si President-elect Rodrigo “Digong” Duterte ng kung sino man ang nasa likod ng iba’t ibang uri ng krimen sa Maynila.
Droga, snatching, robbery, hold-up, carnapping etc., riding and tandem
At ang pinakahuli ang walang takot na pagpaslang sa kasamahan natin sa media na si Alex Balcoba sa isang mataong lugar sa C.M. Recto Ave., sa bisinidad ng Quiapo, Maynila.
Ang Quiapo ay itinuturing na ‘pusod’ ng Maynila . Katunayan, ang turo ng matatanda, kapag ikaw ay naliligaw at hindi alam kung saan ang direksiyon ng pupuntahan, sa Quiapo magpunta dahil naroon ang iba’t ibang ruta ng sasakyan — patungong hilaga (north) o patungong timog (south).
Nangyari ang pamamaslang, dakong 7:30 ng gabi, araw ng Biyernes.
Ang araw ng Biyernes sa Maynila ay isang abalang araw, dahil sa pagdagsa ng deboto sa Quiapo church. Alam din natin na tuwing araw ng Biyernes ay alertado ang mga pulis dahil marami nga ang tao.
Kaya nakadedesmaya nang husto, na hindi man lamang naharang ang riding in-tandem na tumira kay Alex Balcoba.
Pero ang higit na nakagugulat dito, sa nasabing mataong lugar ay walang CCTV camera na puwedeng mag-record ng karumal-dumal na pangyayari.
Wattafak!
Maunlad na raw ang Maynila, e bakit walang CCTV camera sa lugar na ‘yan na alam naman nang lahat na prone sa iba’t ibang uri ng kriminalidad?
Maunlad na ang Maynila? ‘E nasaan ang mga pulis na dapat sana ay nagbabantay sa oras na ‘yan bilang bahagi ng police visibility ng Philippine National Police (PNP)?
By the way, ano ang masasabi ni MPD Press Corps president Kiko Naguit na isa sa kanyang miyembro at dating mainit na sanggang-dikit ay pinaslang sa pusod ng Maynila?
Ano ang magiging hakbang dito ni MPD Director, Gen. Rolando Nana?!
Sikapin kaya niyang lutasin ang kasong ito, para magpakitang-gilas kay Mayor Digong?
O tatanggapin lang niya ang katotohanan na magmumukha siyang kamoteng nakanganga sa kasong ito?!
Kung ang punong kabisera ng bansa — ang Maynila — ay palpak sa pagpapakalat ng CCTV laban sa kriminalidad…
At ang police bisibility ay klarong lip service lang hindi kaya ang Maynila ngayon ay isa na ring mapanganib na lugar para sa mga mamamahayag?
Is Manila the next dangerous place against media people?
Pakisagot na nga ng mga tutulog-tulog at pakaang-kaang diyan sa pansitan!
Military na naman sa Bureau of Immigration (BI)?
HINDI happy ang mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa kanilang nababalitaan na, magmumula na naman daw sa military ang itatalagang bagong Commissioner.
Kung sino man ang naatasan ni President-elect Digong sa selection process ng mga itatalagang hepe, commissioner, secretary sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, sana’y rebyuhin niyang mabuti kung sino man ang irerekomendang mga tao.
At please lang po, Mayor Digong, huwag na po kayong magtalaga ng military man na hindi naman angkop sa posisyon, dahil maraming nagkaletse-letse sa Bureau nang italaga riyan ang dalawang magkasunod na military men.
Sabagay mukhang may punto rin naman sila dahil hindi nga naman sila sanay sa klase ng ala-militar na pamamalakad.
Hindi rin naman daw kasi komo military style ang gagawing pagpapatakbo sa kagawaran ay mababawasan na ang alegasyon na may sandamakmak na korupsiyon diyan.
Ang kailangan daw ng Bureau ay isang mamumuno na karespe-respeto at handang makinig sa suggestions lalo na sa hinaing ng mga nakararami.
Knowing the style of the majority of the employees, lalo lang lalabas ang sungay nila kung gagamitan sila ng kamay na bakal.
Hindi naman po combatant in nature ng Immigration. Civilian office po iyan.
Hangad lang po ng mga taga-BI na bumalik ang panahon nina Commissioner Rufus Rodriguez, Didi Domingo, Nonoy Libanan at Al Fernandez at sana po ay ibalik rin ang mga nawala at tila ninakaw na benepisyo sa kanila.
‘Yun lang ho, Mayor Digong.
Ikaw na lang ang nakikita nilang pag-asa para muling maibalik ang nauukol para sa kanila.
Sa katunayan, inip na inip na silang mag-Hunyo 1, 2016.
‘Yun lang po!
Alias Tinyente Boy Negro sumasagasa sa Divisoria
Matagal nang kalakaran ng mga ‘kolek-tong’ sa Divisoria na tuwing magpapasukan sa eskwela ay humihirit ng goodwill money at dagdag tong sa vendors ng school supplies.
Dinarayo kasi ng mga magulang ang Divisoria dahil sa murang school supplies at mga uniporme.
Ayon sa ilang vendors na nakausap natin, dati raw na maayos ang pagtitinda nila kahit pa may tong na kinokolekta sa kanila.
Pero iba raw ngayon ang hirap na inaabot nila dahil sa sandamakmak na kolek-tong mula sa city hall at sa pulisya.
Santambak na duplication units ng MPD na dagdag-butas at dagdag-tara!
Sonabagan!!!
Lalo na raw ang pangongolektong ng isang alias Punyeta ‘este’ Tinyente BOY NIGGER na nagyayabang na saradong bata raw siya ng isang talunang opisyal sa city hall.
Super talim daw ang tari nito pagdating sa kolektong sa school supplies vendors.
Bokadilya ni alias Boy Negro, kaya may dagdag-tara ay pabaon sa kanyang talunang bossing?!
Panakot ng tarantadong negro ay ipabubuliglig niya sa Soler PCP ang mga vendor na hindi maghahatag sa tong na itinatakda niya?!
Pakiusap nga ng pobreng vendors kay Mayor Erap, sana raw sa ikalawang termino niya ay mabawasan naman ang kotongan sa kanila sa Divisoria.
Puwede ho ba ‘yun Yorme!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com