Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Away nina Keanna at Prince, posibleng humantong sa korte

BAGAMAT hindi pinangalanan ni Keanna Reeves kung sinong produkto ng Starstruck ang kaaway  niya at grabeng galit ang mga post niya sa Facebook, sumagot na si Prince Stefan sa interview niya sa PEP.PH na disappointed umano sa personal na atake ni Keanna sa kanya.

Nag-start umano  ang mga  bira ni Keanna sa kanya noong nasa South Korea sila para sa isang show.

Tumitindi ang galit ni Keanna dahil mayroon din siyang video na tumatalak sa Starstruck alumnus.

Matindi ang rebelasyon ni Keanna sa blind item niya dahil pati kasarian, sponsor, at bisyo umano ng taong tinutukoy niya ay natalakay din.

Tinanong namin si Keanna kung si Prince ba ang tinutukoy niya pero ayaw niyang kompirmahin.

Mukhang hahantong pa sa korte ang matindi nilang away dahil inilapit na raw ni Keanna sa Gabriela at UN Women ang reklamo niya.

Nagpagawa raw siya ng affidavit para matibay at hindi gawa-gawa lang.

“Parang election lang ‘to. Social against jologs daw pero sino ang nagwagi? ‘Yung mga totoong tao, ‘di ba guys?,” say pa ni Keanna.

Ano ba ang ginawa ng Starstruck alumnus na ito?

“Sabi niya, pokpok lang daw ako, squatter daw ako, siya private school galing. Tapos siya raw magaling kumanta, ako lang papatawa lang daw at ‘di marunong magbasa. Siyempre, puro patawa ako kasi comedienne ako.Tito, kasi ang yabang niya,” himutok ni Keanna nang i-chat namin sa Facebook.

Habang isinusulat namin ito ay nangako si Keanna na tatawagan kami para ikuwento ang totoong nangyari, walang dagdag, walang bawas.

Mababasa naman sa Facebook account ni Stefan na, ”I will just be the better person who understands the situation, well mannered and with breeding. I never looked down on anyone because i was raised to be respectful. And i never said nor bragged about being a famous celebrity, but i sure know how to thank people who’ve helped me get where i am now. I asked HER to be part of the KOREA show because i always believe that everyone gets the second chance to just really prove themselves regardless of background and reputation. We are all here to work for a living and never in my entire life to have been put in a position in such a way that someone will actually humiliate me and create false stories about me. Nevertheless, I take this positively and will not stop pursuing my passion as an artist and as a performer/entrepreneur no matter how small others may see it. I love my job and i will continue to strive harder to entertain people.

“This will be my first and last statement. And for whatever it’s worth, I hope to make peace to whom ever i have offended in any way<ØûßTo God be the Glory<Øûß”

‘Yun na!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …