Thursday , December 26 2024

Maynila pugad ng ilegal na droga (MPD pakaang-kaang)

NASASAKTAN ang isang Heneral na kakilala natin.

Sabi kasi sa isang pahayagan, ang pulis na si PO2 Johnny Aliangan na dating pulis-Maynila at nakatalaga ngayon sa Regional Anti-Illegal Drugs (RAID) ng NCRPO ay nakatira sa isang bahay na kagaya sa isang heneral

Si PO2 Aliangan po, ‘yung pulis na sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanyang bahay sa Palawan St., Balic-Balic, Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Sa loob ng  bahay niya ay nakuha ang bulto-bultong shabu na nakalagay kung saan-saan. Mayroon pang nai-flush sa inidoro. Nang buksan ang cabinet sa kanyang mini-bar, nakuha ang mga de-kalibreng armas mahaba at maikli. Isang vault ang winasak para mabuksan dahil hindi raw alam ni Aliangan at ng misis niya kung ano ang kombinasyon ng mga numero.

Nakuha sa vault ang halagang P7 milyong cash at muli, bulto-bultong shabu.

Ang sabi pa sa ulat ng NBI, batay sa kanilang intelligence surveillance, ang mga shabu na idini-deal ni Aliangan ay recycle.

Ibig sabihin, ‘yung mga nakokompiska niya bilang kagawad ng RAID-NCRPO ay hindi naisesentro?!

O talagang sa kanya ipinasesentro para siya ang magbenta at magpakalat?!

E kung ganyan kabilis magbenta ng shabu si PO2 Aliangan, e hindi nakapagtataka kung bakit ‘parang sa heneral’ daw ang kanyang bahay at lifestyle.

At diyan po nasasaktan ‘yung tunay na General na kaibigan natin. Kasi kung tutuusin daw, nakatira lang siya sa isang housing project ng gobyerno, ang kotse niya ay halos 10 taon na niyang ginagamit at kung gusto man niyang palitan, kailangan pa niyang pag-isipang mabuti at magkuwenta nang tama kung kaya nga ba ng budget ng pamilya.

At sa maniwala kayo’t sa hindi, si General hanggang ngayon ay nagbabaon pa rin ng pagkain tuwing magre-report sa kanyang duty.

Mali ang hula ninyo kung inaakala ninyo na ang tinutukoy namin ay si Manila Police District (MPD) Director, Chief Supt. Rolando Nana.

Hindi siya ‘yung kaibigan nating Heneral na simple ang pamumuhay.

Pero kung itatanong ninyo kung si Gen. Nana ‘yung heneral at director ng police district na laging naiiskupan ng ibang yunit ng law enforcement agencies sa panghuhuli ng mga ilegalista sa kanyang area of responsibilities (AOR) ‘e tama po kayo!

Si Gen. Nana nga talaga ‘yung General na laging naiiskupan. ‘Yung General na parang laging natutulog sa pansitan at pakaang-kaang?

At ‘yung General na parang ‘inilalaglag’ ng kanyang intelligence boys dahil pirming siya ang huling nakaaalam na ang Maynila pala ay pugad ng illegal na droga?

Baka naman sabihin ninyo ‘e naninira lang tayo? Factual po iyan.

Ilang buy-bust na ba ang naganap sa Maynila na ibang law enforcement agency ang nag-o-operate at nakatitimbog sa mga bigtime illegal drug dealer?!

Kasabay nga ng pagsalakay sa bahay ni Aliangan, ang pagkahuli naman sa isang misis sa Pandacan na nakompiskahan ng 2,000 ecstacy tablet na inilagay sa isang puzzle box mula sa The Netherlands.

Ang 2,000 ecstacy tablet ay tinatayang nagkakahalaga ng P4 hanggang P6 milyon.

Ayon kay PDEA Regional Director Edwin Ogario, ang ecstacy ay sinasabing nagpapataas ng enerhiya at nagpapadoble ng sexual arousal. Hindi nakararamdam ng pagod, gutom at pagkauhaw ang mga gumagamit nito.

Ecstacy ang pinaghihinalaang sanhi ng kamatayan ng limang party-goers na namatay sa Close Up Summer Concert sa Mall of Asia (MOA) nitong nakaraang Linggo ng madaling araw.

I-DUTERTE na ang Maynila laban sa droga!

Justice delayed is justice denied

Nang tiyakin ni President-elect Rodrigo Duterte na ang itatalaga niyang Justice secretary ay si Atty. Vitaliano Aguirre, agad sinabi ng abogado na pagtutuunan niya ang talamak na problema sa National Bilibid Prison (NBP).

Okey po ‘yan, incoming Justice Secretary Aguirre.

Pero puwede po bang bumulong sa inyo para makiusap?!

Puwede bang isabay sa mga uunahin ninyo ang sandamakmak na back log cases ng Justice Department?!

Para kasing hindi pa nalalaman ni Atty. Aguirre na maraming nakabinbin na kaso sa kanyang hahawakan na departamento?!

Pinakamaganda siguro, gawin niyang prayoridad  ‘yan mga kasong matagal nang nakabinbin gaya ng mga petition for review.

Sana ay hindi pa rin niya nalilimutan ang kasabihan justice delayed  is justice denied.

BI Intel Chief illegal ang appointment-CSC

LAKING tuwa raw ng mga opisyal ng Buklod ng mga Manggagawa ng Bureau of Immigration (BI) matapos agarang lumabas ang isang decision hinggil sa isinagawa nilang query and  petition sa questionable hiring and promotion kay BI Intelligence Chief, ROMMEL DE LEON at ilan pang mga bitbit ‘este’ bagong empleyado na nakakuha ng matataas na posisyon sa nasabing opisina.

Agad daw inaksiyonan ng Civil Service Commission (CSC) ang kanilang hinaing matapos i-DENY ang biglaang paglalabas ng permanent appointments ni De Leon at mga kasama nito.

Aba’y dapat lang!

Nakadedesmaya nga naman at very demoralizing kung sila ay mabibigyan agad ng mga sensitibong posisyon nang hindi man lang dumaraan sa tamang proseso ng personnel selection board.

And besides, kulang ang qualifications gaya ng civil service eligibility pati na ang tamang trainings and seminars para sa government officials.

Good job para kina Buklod prexy Atty. Sadiasa at sa iba pang Buklod officers.

Sa pagkakataong ito ay ginawa nila ang nararapat para sa kapakanan ng buong kagawaran.

At least hindi na masasabi na ang concentration ng Buklod ay hindi puro lang sa abuloy sa mga namatayan nilang miyembro.

Hihintayin na lang natin kung ang mga appointed ng palasyo sa BI ay manipis ang mukha na magsipag-resign na sa kanilang puwesto sa lumabas na desisyon ng CSC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *