Friday , November 15 2024

Palasyo handa sa Duterte admin probe vs DAP

NAKAHANDA ang Malacañang sa binabalak ng Duterte administration na imbestigahan ang kontrobersiyal na Disbursement Accelaration Program (DAP).

Sinasabing ang pondo ay ipinamahagi sa mga senador na bumoto pabor sa impeachment laban kay dating Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng soft at hard projects.

Ilang bahagi ng DAP ang idineklarang ilegal ng Korte Suprema partikular ang pag-withdraw ng mga hindi nagamit na alokasyon o savings ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, buong katapatang sinunod ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Saligang Batas at lahat ng mga batas ng bansa.

Ayon kay Coloma, pinagtibay ng Korte Suprema ang kanilang ‘motion for reconsideration’ partikular ang operative fact doctrine.

Sa nasabing ruling aniya, kinikilala ng korte ang ‘presumption of regularity’ sa implementasyon ng DAP.

“As Chief Executive, President Aquino faithfully followed the Constitution and the laws of the land. If we may recall, the Supreme Court upheld the motion for reconsideration filed through the Office of the Solicitor General, particularly on the operative fact doctrine. In that Decision, the Supreme Court categorically ruled and upheld the presumption of regularity in the implementation of the DAP,” ani Coloma.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *