Saturday , November 16 2024

P7-M cash, armas, shabu kompiskado sa bahay ng NCRPO cop (Sa Maynila)

NALANTAD sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tinatayang P7 milyong salapi, kilo-kilong shabu at sandamakmak na mahahaba at maiikling baril nang salakayin ang bahay ng isang pulis sa Balic-Balic, Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Halos limang oras bago nabuksan ng mga awtoridad ang vault ni PO2 Jolly Aliangan, dating miyembro ng Manila Police District (MPD) at ngayon ay nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs ng National Capital Region (NCR).

Kabilang din sa nadakip ang pinsan ni PO2 Aliangan na si Jeffrey Gutierrez at isa pang civilian agent ng NCRPO na hindi pa ibinunyag ang pangalan.

Dakong 5 a.m. nang salakayin ng mga ahente ng NBI ang bahay ni PO2 Aliangan sa Palawan St., Balic-Balic, Sampaloc makaraan makarating sa himpilan ng pulisya ang ulat na inire-recycle roon ang nakokompiskang shabu mula sa bigtime drug pushers.

Patuloy pang isinasailalim sa imbentaryo ang nakompiskang shabu at armas mula sa mga suspek.

Samantala, si PO2 Aliangan ay may kasong pangingikil ng $30,000 sa Manila Regional Trial Court, na inihain ng apat Koreano na hinuli ng kanilang grupo.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *