Friday , November 15 2024

Major victories ng PNP vs illegal drugs pinuri

PINURI ni outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen S. Sarmiento ang pambansang pulisya kaugnay sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Sarmiento, na-achieved ng PNP ang major successess sa kanilang inilunsad na kampanya laban sa illegal narcotics na pinangunahan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

“Since its activation in October last year, the PNP has achieved major victories in the war against illegal drugs. Our Oplan Lambat Sibat and One-Time, Big-Time anti-crime campaigns has led to the arrest of big time narco-traffickers and confiscation of huge amounts of drugs,” pahayag ni Sarmiento.

Ayon kay Sarmiento, simula Enero hanggang Mayo 23, 2016 ang PNP-AIDG ay naka-aresto ng 17,858 drug personalities at nakakompiska ng 558,603.35 grams ng shabu na nagkakalaga ng P2,793,016, 745.92 bilyon.

Ang pinakahuling operasyon ng PNP-AIDG ay sa Imus, Cavite na 29 kilos shabu ang nasabat na nagkakahalaga ng P145 milyon

“The DILG-PNP is fully committed in doing its roles and responsibilities in achieving a drug-resistant and eventually a drug-free Philippines as envisioned in the National Anti-Drug Plan of Action (NADPA) 2015-2020,” wika ni Sarmiento.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *