Thursday , December 26 2024

Iba ang delicadeza sa p’wede naman kung…

ANG delicadeza ay laging mahalagang component ng kredebilidad at integridad.

At wala itong excuse.

Kung ang delicadeza ng isang tao ay hindi natural o hindi napalaki ng kanyang mga magulang na may delicadeza, mahihirati nga sila sa sistemang mahilig mag-alibi.

Gaya ng appointment ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte kay congressman Mark Villar bilang secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Lutang na lutang nga naman ang conflict of interests sa pagtatalaga kay Villar dahil ang kanilang pamilya ay kilalang may-ari ng maraming subdivisions at malls sa buong bansa.

Kahit na sabihin pa ni Mayor Digong na hihingiin niya ang blue prints ng projects ng mga Villar at hindi magpapagawa ng kalsada malapit sa kanilang subdivision, kalokohan pa rin ‘yan.

Tatagos ba ‘yang patakaran na ‘yan hanggang sa mga developer na sub-contractors ng pamilya Villar?!

Bukod diyan, hindi pa nalilimutan ng sambayanan ang eskandalo ng C-6 Road na umano’y sinadyang inilapit sa isang proyekto ng mga Villar.

Paano makasisiguro ang sambayanan na hindi na mauulit ‘yan?!

In short, magiging stigma na ‘yan sa pamilya Villar at ganoon din sa sambayanan.

Kuwestiyon din kung ano ang mangyayari sa constituents ni Villar kapag tinanggap niya ang appointment?!

Paano na ang constituents na nagtiwala at ibinoto niya?

‘E di magkakaroon na naman ng special election, gastos na naman ‘yan!

Unsolicited advice lang kay congressman Villar, huwag tanggapin ang appointment, at magsilbi sa kanyang constituent.

Iniisip  ba  ni  representative  Villar na ipalit sa kanya ang kanyang misis na si dating Diwa Party-list Rep. Emmeline Aglipay Villar?!

Ganyan ba talaga ang TATAK VILLAR, mahusay talaga kayo sa PAKYAWAN?

Isip-isip din ng delicadeza kapag may time!

Ang ‘Manyak’ na appointee

Isang kaibigang aktres ng inyong lingkod ang nag-share ng kanyang masamang karanasan sa isang ‘attorney’ na gustong italaga sa cabinet position ni President-elect, Mayor Digong.

Tawagin na lang natin siyang Atty. Manyak alyas Atty. ‘Sampal Pisngi’ (SP).

Sampal Pisngi dahil ‘yan palang si Atty. Manyak ay nakatikim sa kanya ng lumalagapak na sampal sa pisngi.

Hindi lang natin nakompirma kung mag-asawang sampal ba ang ipinatikim ng matapang na aktres kay Atty. Manyak.

Mahilig kasing mangutang si Atty. Manyak. Sinamantala niya kasi ‘yung pagtitiwala ng aktres sa kanya.

Dahil mabait ang  kaibigan nating aktres at hindi naman niya sinusukat ang isang tao sa pamamagitan ng pera, kapag nagkataon na sobra ang budget, pinauunlakan niyang mangutang si Atty. Manyak.

Minsan kasi, nakahihingi naman siya ng mga payong legal kay Atty. Manyak.

In short, maituturing na rin talaga ng aktres na kaibigan si Atty. Manyak.

Pero, minsan, nang singilin ng aktres si Atty. Manyak, aba, imbes magbayad, umarangkada na parang gustong mag-take advantage.

Mantakin ninyo, may utang na, mangmamanyak pa?!

Nalimutan yata ni Atty. Manyak na ‘black belter’ din si aktres, hayun, buti na lang sampal lang (mag-asawang sampal nga ba?) at hindi matinding karate.

Kaya Mayor Digong, mayroon pang panahon para bawiin ang appointment kay Atty. Manyak.

Baka ‘yan pa ang maging batik sa iyong Gabinete. Puwede bang pag-aralan ninyong muli ang appointment sa kanya?!

Malakas na po ang protesta ngayon sa Malacañang, “NO TO ATTY. MAN-YAK!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *