Friday , November 15 2024

2,000 ecstasy tablets nakompiska sa ginang

NAKOMPISKA ang 2,000 tableta ng pink ecstasy mula sa isang ginang sa raid sa Pandacan, Maynila nitong Martes.

Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon makaraan makatanggap ng impormasyon ukol sa droga na nakasilid sa loob ng isang puzzle box.

Tinatayang nagkakahalaga ng P4 milyon hanggang P6 milyon ang nakompiskang droga.

Ayon kay PDEA Regional Director Edwin Ogario, lumalabas na nagmula sa Netherlands ang mga tableta.

Sinasabing nagpapataas ng enerhiya at nagpapadoble ng sexual arousal ang ecstasy. Hindi rin nakararamdam ng pagod, gutom at pagkauhaw ang mga gumagamit nito.

Samantala, iginiit nang nahuling ginang na nabiktima lang siya ng kaibigang si alyas “Dacky” na pinahiram niya ng ID.

Sa impormasyong natanggap ng PDEA, posibleng ginamit na courier ang ginang ngunit sasampahan pa rin siya ng kaso dahil sa paglabag sa Anti-Illegal Drugs Law.

Isasailalim sa pagsusuri ang nakompiskang ecstasy tablets.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *