Friday , November 15 2024

Tsinoy comatose sa suntok

COMATOSE ang isang 36-anyos Tsinoy makaraan suntukin ng isang lalaki sa panga at nabagok ang ulo nang bumagsak sa kalsada sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Joseph Villafranca, ng Manila Police District-Police Station 11, ang biktimang si Kendrich David Lim, ng Martinez Leyba Compound sa 928 Benavidez St., Binondo.

Habang tumakas ang suspek na si Gary Fernandez, 40, may taas na 5’7 at maskulado ang pangangatawan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:45 a.m. sa bisinidad ng Martinez Leyba Compound.

Sinabi ng kapatid ng biktima na si Aldrich, dakong 9 p.m. nakita niyang nakahiga sa kama si Kendrich na may sugat sa mukha at humihilik nang malakas.

Pagkaraan ay napansin niyang hindi na humihinga kaya agad siyang tumawag sa ambulansiya para isugod ang biktima sa pagamutan.

Salaysay ng security guard na si Rodolfo delos Reyes, 32, dakong 11:45 a.m. nang makita niyang nakabulagta sa kalsada ang walang malay na biktima.

Tinulungan aniya ng ilang concerned citizen ang biktima na makauwi sa kanilang bahay.

Ngunit ayon sa ilang nakakita sa insidente, sinuntok ng suspek ang biktima at nang bumulagta ay basta na lamang iniwan.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang tinutugis ang suspek.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *