Sunday , December 22 2024

 Reghis Romero may-ari, legal operator ng port facility (Inilinaw ng HCPTI)

NILINAW ng pamunuan ng Harbour Centre Port Terminal, Inc., na hindi kasama sa dinesisyonan ng Court of Appeals ang isyu hinggil sa kung sino ang nagmamay-ari ng P5 milyong pasilidad nito at ang negosyanteng si Reghis M. Romero II pa rin ang legal na nagpapatakbo at may control nito.

Ayon kay HCPTI Corporate Lawyer Eugene M. Santiago, hindi tinalakay sa ipinalabas na desisyon ng CA ang isyu kung lehitimo ang Board of Directors ng Harbour Centre Port Terminal, Inc., ang legalidad ng kontrata ng Port Ancillary Services Contract at Port Services Management Contract.

Bagkus ang mga isyung ito ay ibinalik sa kamay ng Regional Trial Court na nananatiling nakabinbin.

Hindi rin aniya sinabi ng CA na ibinibigay nito ang pamamahala ng HCPTI kay Michael L. Romero sa One Source Support Services Inc., (One Source) o sa kahit na kaninong agents nito o empleyado o representate.

Ang lahat ng isyung ito aniya ay ibinalik ng CA sa mababang hukuman.

Ibinunyag ni Santiago na ang One Source ay subcontractor lang ng batang Romero at ginagamit lang ito upang hakutin ang pera ng HCPTI.

Ang usaping ito umano ay nakasampa na rin sa korte.

Sa record, ang kaso kung sino ang tunay na may-ari at dapat na magpatakbo ng HCPTI ay hinawakan na ng 17 Mahistrado ng CA, at lahat sila ay na-pressure na umano ng batang Romero upang bitawan ang kaso.

Ang taktikang ito ay muling ginamit ng nasabing negosyante kay CA Special Second Division Justice Danton Bueser matapos na magpalabas ng 3-0 votes para sa temporary restraining order (TRO) at Writ of preliminary injunction na nagbabawal kay Michael Romero na pakialaman at kamkamin ang HCPTI.

Nilinaw ni Santiago na ang desisyong ipinalabas ng CA noong December 1,2014 ay pagkokompirma lang sa ipinalabas na desisyon ng RTC para sa 20-araw na TRO at ito ay maituturing na paso.

Maging ang desisyon ng CA nitong Mayo 12, 2016 ay hindi pa rin naman pinal at hindi maaaring maipatupad dahil sa motion for reconsideration na naisampa dito.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *