Friday , November 15 2024

Inaugural speech ni Digong simple, 5 minuto lang

Davao CITY – Nangako si President-elect Rodrigo Duterte na aabot lamang sa limang minuto ang kanyang speech sa inauguration ceremony sa Hunyo 30.

Ayon sa incoming president, hindi na kailangan ng mahahabang speeches dahil may cabinet secretaries siya na magbibigay ng pahayag sa polisiya ng administrasyon.

Samantala, muling iginiit ni Duterte na mananatiling simple pa ang kanyang oath-taking na isasagawa sa Malacañang para wala na aniyang masasayang na pera para sa isang event.

Napag-alaman, maliit lang ang Malacañang at aabot lamang sa 500 ang kaya nitong i-accommodate.

Ngunit para kay Duterte, hindi raw ‘yon importante dahil kahit 150 katao lamang ay matutuloy pa rin ang nasabing event.

Kabilang sa inaasahang dadalo sa inagurasyon ay mga miyembro ng diplomatic corps, mga opisyal ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at kanyang pamilya.

Kahit sa pagkain, nais ng opisyal na maghanda nang simple.

Sa kabilang dako, aasahan na mananatili pa rin si Duterte sa lungsod ng Davao hanggang Hunyo 30 at kukuha siya ng commercial flight papuntang Metro Manila.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *