Friday , November 15 2024

Ilibing si FM sa Libingan ng mga Bayani — Duterte (Bilang sundalong Filipino)

 

DAVAO CITY – Pabor si President-elect Rodrigo Duterte na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang labi ni dating President Ferdinand Marcos sa kabila nang pagtutol ng karamihan.

Ito ang inihayag ng outgoing mayor sa press conference sa lungsod ng Davao, ngunit nilinaw na hindi bilang bayani kundi bilang isang sundalong Filipino.

Gusto ni Duterte na ayusin agad ang pagpapalibing kay Marcos.

Matatandaan, higit 26 taon nang pumanaw si Marcos at nananatili pa rin ang labi sa Marcos Museum at Mausoleum sa Batac, Ilocos Norte.

Si Ferdinand Marcos ay ika-10 pangulo ng bansa, 6th President ng Third Republic at 1st President sa Fourth Republic.

Marami ang nagalit sa kanya dahil sa ipinatupad na martial law noong 1965-1986.

Nang sumakabilang buhay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa edad na 72 sa Honolulu, Hawaii dahil sa sakit, iniuwi ang labi niya sa Filipinas ngunit marami ang tumutol na ilibing siya sa Libingan ng mga Bayani.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *