Friday , November 15 2024

Cartel sa energy, telcos binalaan ni Duterte (Sa makupad at magastos na serbisyo)

DAVAO CITY – Malaking hamon sa energy at telecommnunication cartels ang plano ni incoming President Rodrigo Duterte na ibigay ito sa foreign players.

Ayon kay Duterte, kung hindi mag-improve ang mahinang serbisyo, bubuksan niya ito sa international players sa pamamagitan ng pagpasok sa isang kasunduan sa telecommunication companies.

Sinabi rin ni Duterte, gagawa siya ng polisiya upang mapabilis ng mga provider ang internet speed ng bansa na kinikilalang pinakamahina sa buong Asya.

Kung hindi aniya ito masunod at wala pa rin pagbabago sa serbisyo, ito na ang panahon upang buksan ito para sa foreign competition.

Bukod sa telecommunication companies, ganito rin ang gagawin ni Duterte sa energy sector.

Aniya, bubuksan niya ang industriya sa enerhiya sa foreign investors.

Layunin nitong mapataas ang kalidad ng serbisyo at mapababa ang bayarin sa koryente na pinakamataas rin sa buong Asya.

Nais ng presiden-elect na gumamit ng renewable energy gaya ng solar panels na pinakamura ngunit makabubuti ang serbisyo sa suplay ng koryente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *