Friday , December 27 2024

Ang kultura ng political vendetta (PNoy matulad kaya kay Taiwan ex-president Ma Ying-jeou?)

KAMAKAILAN nabasa natin sa pahayagan ang nangyari sa dating presidente ng Taiwan na si Ma Ying-jeou.

Binuksan na ang katakot-takot na kasong isinampa laban kay Ma, pagkababang-pagkababa niya sa puwesto nitong Biyernes.

Opisyal na kasing umupo bilang bagong presidente ng Taiwan si Tsai Ing-wen bilang unang babaeng leader na nanalo nang landslide sa kanilang eleksiyon nitong Enero. Siya ay mula sa Democratic Progressive Party (DPP).

Si Ma ay inihalal ng kanyang mga kababayan noong 2008 dahil sa kanyang Mr. Clean image pero nasangkot sa iba’t ibang eskandalo gaya ng pagkakalat ng political secrets at bigong ideklara ang kanyang mga asset.

Ang sinundan ni Ma na si Chen Sui-bian ng DPP rin ay kasalukuyang nakakulong dahil sa corruption.

Ganyan po sa Taiwan. Agad sinasampahan ng kaso ang mga tiwaling leader para papanagutin. Pero sa kanila ay walang ‘hospital arrest.’

Hindi gaya rito sa Philippines my Philippines, ang mga lider na sinasampahan ng kaso ay biglang nagkakasakit at imbes sa bilangguan ay sa ospital nakukulong.

Sa nalalapit na pagbaba sa puwesto ni PNoy, marami nagsasabing sandamakmak na rin ang kasong isasampa laban sa kanya.

Kumbaga, kung ano ang ginawa niya kay PGMA, ay mauulit rin sa kanya.

Ang kanya kayang ‘Matuwid na Daan’ ay dumiretso patungo sa kulungan?!

Arayku!

Mayor Digong tumbok na tumbok ang Maynila

Grabe na ito!

Tahasan at buong tapang na tinukoy ni President-elect Rodrigo “Digong” Duterte ang Maynila na isa sa mga lungsod na plano niyang ‘linisin.’

Tahasang tinukoy ni Mayor Digong ang isang Heneral na nagpapasasa ngayon sa Maynila.

Hanggang ngayon kasi mukhang Maynila lang ang hindi kumikilos laban sa droga kahit mahigpit ang pagbabanta ni Mayor Digong na kailangang sugpuin ito.

Mula nang magsalita si Mayor Digong na umpisahan na ng bawat lokal na pamahalaan ang ‘paglilinis’ sa kanilang mga lugar laban sa ilegal na droga, tanging Maynila lang ang hindi pa kumikilos.

 Sino kaya ang tinutukoy na Heneral ni Mayor Digong na kung nakaipon na ‘e su-mibat na, kaysa abutin pa ng pag-upo niya?

Manila Police District (MPD) director, Gen. Roland Nana, kilala ba ninyo kung sino ang tinutukoy na heneral ni Mayor Digong?

Pakisabi na nga doon sa Heneral na sinasabi ni Mayor Digong na isama na niya sa kanyang pagsibat ang isa niyang Intel official at media sulsoltant.

Hay naku, kanino kaya sila nanghihiram ng kapal ng mukha?

Pakitanong na nga Gen. Nana kung kanino nga sila naghihiram ng kapal ng mukha!

Listahan ng maintainer ng 1602 sa Maynila

BILANG na ang araw ng mga protector ng illegal na sugalan sa anim na sulok ng Maynila matapos may nagpadala umano ng mga listahan kay President Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga tinukoy na notoryus tongpats ng 1602/illegal gambling sa Maynila ay sina alias TATA TALYADA, TATA RO-EL, TATA KARYASO, TATA O-NAY at TATA ROB-LESS.

Pati na ang isang ‘KUPITAN’ ng delihensiya group ng MPD ay nasa hit list na rin ni incoming PNP chief Gen. Ronald Dela Rosa.

At ‘di lang pala sa 1602, maging ang tongpats at nagre-recycle sa illegal drugs ay kilala na rin nila.

Ayos!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *