Friday , November 15 2024

Parusang bitay dapat bang ibalik?

DAPAT bang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa tulad ng ba-lak ng bagong nagwaging pangulo na si Rodrigo Duterte?

Naniniwala si Duterte na ang pagbabalik ng death penalty ay isa sa mga paraan na magdudulot ng takot sa puso ng mga pusakal na kriminal.

Batid ng lahat ang bukambibig ni Digong na may paglalagyan ang mga kriminal kapag nanalo siyang pangulo, at nagawa na niya ito noong alkalde pa siya ng Davao City.

Ang pagiging tigasin sa pagharap sa mga kriminal ay higit niyang kailangang patunayan ngayon, dahil sa pangako niya sa pangangampanya na wawalisin niya ang mga kriminal sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ng panunungkulan bilang pangulo.

At ang parusang kamatayan na balak niyang ipatupad ay hindi sa pamamagitan ng lethal injection, kundi sa makaluma at brutal na pamamaraan na bitay na ibibitin na nakatali ang leeg.

Pero paano kung ang mapaparusahan ng bitay ay hindi pala ang tunay na salarin? Alalahanin na may mga nakukulong na hindi naman tunay na kriminal. May mga inakusahan bunga ng maling akala, at may mga pinaratangan para maging tagasalo ng pagkakasala ng ibang tao.

Ang iba nga ay hinuli lamang para pagkakitaan ng mga tiwaling awtoridad. At dahil walang maisukang pera kapalit ng kanyang kalayaan bunga ng labis na kahirapan ay natutuluyang makulong ang kawawa at walang kasalanang tao.

Hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakamali dahil hindi naman perpekto ang sistema ng pagbibigay natin ng hustisya. Paano pa maiwawasto ang pagkakamali ng hustisya kung nabitay na ang tao?

At paano tayo makikiusap sa ibang bansa na mailigtas ang mga OFW na nasentensiyahan ng kamatayan kung tayo mismo ay nagpapatupad ng bitay rito?

Hindi ba mas katanggap-tanggap kung aayusin natin ang sistema ng hustisya upang maging pantay-pantay ito para sa lahat, mayaman man o mahirap?

Ngayon ay nakikita natin maging sa walang katapusang raid ng mga awtoridad sa mismong New Bilibid Prisons (NBP) na ang mga may pera pa rin ang pinapaboran at tinatratong VIP o “very important prisoner.”

Saan kayo nakakita ng preso na may mamahaling kasangkapan tulad ng flat-screen TVs, refrigerator, sound system, hanggang sa sari-ling music studio?

Higit sa lahat ay gawin ang lahat ng pagbusisi upang matiyak na ang parurusahan ay tunay na may sala, at hindi nakainitan o nakatuwaan lamang. Tiyakin din na ang parusa ay tama sa kasalanang nagawa, dahil walang katumbas na halaga ang buhay ng tao.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *