Saturday , November 16 2024

Office of the President kasado na sa transition

NANINIWALA si Executive Sec. Paquito Ochoa, magiging maayos at magaling na kapalit niya si Atty. Salvador Medialdea sa Duterte administration.

Si Medialdea ay personal lawyer ni incoming President Rodrigo Duterte at napipintong maging Executive Secretary simula Hunyo 30.

Sinabi ni Ochoa, sa kanyang pagkakakilala, mabait, simple at magaling na abogado si Medialdea.

Ayon kay Ochoa, nagpagawa na siya ng matrix ng records at mga programa sa Office of the President para sa maayos na transition sa Duterte administration.

Naniniwala si Ochoa, maaaring nag-iingat at may delicadeza ang grupo ni Duterte kaya hindi minamadali ang transition process habang hindi pa naipoproklama ang bagong presidente.

50% sa 2015 kita ng GOCCs naisumite na kay PNoy

PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang ceremonial remittance ng dibidendo ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa Malacañang.

Ngunit nitong nakaraang Pebrero, inamyendahan ng Department of Finance (DoF) ang implementing rules and regulations ng nasabing batas, na ipinatataas ang remittance ng GOCCs nang mahigit sa 50 porsiyento ng kanilang kita.

Ginawa ang seremonya dakong 1 p.m. at kasama ni Pangulong Aquino si Finance Sec. Cesar Purisima at mga opisyal ng GOCCs.

Magugunitang noong nakaraang taon ay P36.86 bilyon ang naibigay ng GOCCs sa national government.

Pinakamalaking dibidendong naibigay sa national government ay mula sa PAGCOR na nagkakahalaga ng P10.137 bilyon, pangalawa ang Land Bank of the Philippines (LBP) na umabot sa P6.254 bilyon, at pangatlo ang Bases and Conversion Development Authority (BCDA) na nakapag-remit ng P3.201 bilyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *