Friday , November 15 2024

Droga sinisilip sa Pasay Concert deaths (Kritikal na bagets pumanaw na)

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya ang ulat na hinaluan ng droga ang mga inomin na ipinamahagi noong Sabado ng gabi sa Pasay City na ikinamatay ng lima katao.

Kinilala ang mga namatay na sina Ariel Leal, 33; Lance Garcia, 26; Bianca Fontejon, 18; at isang Amerikano na si Eric Anthony Miller, 33-anyos. Ang panlimang biktima na si Ken Migawa, 18, ay unang iniulat na kritikal ang kondisyon ngunit binawian ng buhay nitong Linggo ng gabi.

Ang mga biktima ay natagpuang walang malay sa iba’t ibang bahagi ng SM Mall of Asia Open Concert Grounds habang nagaganap ang konsiyernto na inorganisa ng toothpaste brand Close Up.

Ayon kay Chief Insp. Rolando Baula, Pasay police investigation chief, ayon sa autopsy, sina Fontejon at Kigawa ay dumanas ng massive heart attacks.

Sinabi ni Chief Insp. Baula, hinihintay pa nila ang resulta ng toxicology examination upang mabatid kung ano ang sanhi ng heart attack ng mga biktima.

Habang ang pamilya ni Leal ay tumangging isailalim ang biktima sa autopsy, dagdag ng opisyal.

Samantala, nakatakdang ipagbigay-alam ng mga awtoridad sa U.S. Embassy ang pagkamatay ng Amerikano, ang bangkay ay nananatili pa sa Manila Doctors Hospital.

Sa espekulasyon ng ilang netizens, party drug na tinatawag na “Green Amore” ang ibinigay sa mga biktima

Ang Green Amore ay kapsula na sinasabing nagtataglay ng lethal mix ng ecstacy and shabu.

Kilala rin bilang “fly high” at “Superman,” ang droga ay sinasabing nagdudulot ng side effects ng dehydration, fever at heart attack.

Sinabi ng isang lalaki na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang concert venue ay amoy droga. Aniya, marami siyang nakitang mga menor de edad sa concert.

“Sobrang wild noong kagabi na iyon. Sobrang dami ng tao tapos makikita mo talaga na maraming bata,” pahayag ng lalaki. “Noong andoon na kami sa area, maaamoy mo naman talaga na parang amoy weeds siya, amoy marijuana iyung area.”

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Deadly concert iniimbestigahan ng NBI

NAGSASAGAWA ng parallel investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagkamatay ng limang concert goer sa Pasay City nitong Sabado.

Ayon kay Felisima Francisco, Executive director ng Forensic Chemistry Division ng NBI, isa sa tinitingnan nilang sanhi ng pagkamatay ay overdose sa illegal na droga dahil lubhang mataas ang blood pressure ng ilan sa mga biktima at nakitaan ng ‘rupture’ o sugat sa puso ang isa sa nasuring bangkay.

Aniya, hindi pa tapos ang toxicology test na ginagawa sa mga bangkay lalo’t walang consent o pahintulot ng pamilya ang ilan sa mga biktima.

Sinabi ni Atty. Joel Tovera, hepe ng NBI Anti-illegal Drugs Division, nagpadala sila ng undercover agent sa naturang concert party ngunit wala silang nahuling nagbenta.

Mas talamak aniya ngayon ang party drugs tulad ng ecstasy dahil maliit lang ito at hugis candy o tableta at hindi na kailangan ng drug paraphernalia para gamitin.

“Yung findings ng ating Medico legal, mataas ‘yung blood pressure o BO, 240. At may mga rupture na ‘yung heart,” ayon kay Francisco.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *