SINABI ni incoming president Rodrigo Duterte, susuwayin niya ang Roman Catholic Church sa isusulong niyang three-child policy, na maaaring muling magresulta sa banggaan nila ng mga obispo.
Ang mayor ay hindi pa naidedeklarang panalo sa May 9 polls, ngunit sa unofficial vote count ng election commission-accredited watchdog, malaki ang lamang niya sa apat niyang mga karibal, tatlo sa kanila ay nag-concede na ng pagkatalo. Mauupo sa puwesto si Duterte sa Hunyo 30.
“I only want three children for every family,” pahayag ni Duterte nitong Linggo sa Davao City. “I’m a Christian, but I’m a realist so we have to do something with our overpopulation. I will defy the opinion or the belief of the Church.”
Tinatayang 80 porsiyento ng 100 milyon populasyon ng Filipinas ay mga Katoliko, pinakamarami sa buong Asya, na tumututol sa aborsiyon at contraception.
Nitong Sabado, binatikos niya ang Simbahan na aniya’y “most hypocritical institution,” nanghihimasok sa mga polisiya ng gobyerno at ilang mga obispo ang yumaman dahil sa mahihirap.
“You sons of whores, aren’t you ashamed? You ask so many favours, even from me,” pahayag ni Duterte sa panayam ng TV station GMA.
Midnight Media briefings asahan sa Duterte admin
NILINAW ni incoming President Rodrigo Duterte, hindi siya dapat katakutan o pag-alangan ng mga mamamahayag dahil sa kanyang matapang na personalidad.
Magugunitang kilala si Duterte sa madalas na pagmumura, pambabara at pagbibiro sa mga mamamahayag na nagtatanong sa kanya kahit sa live press conferences.
Sinabi ni Duterte, hindi dapat ma-intimidate ang mga mamamahayag dahil siya ay madaling lapitan at madali raw aliwin.
Kasabay nito, pinayuhan na rin ng kampo ni Duterte ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Malacañang na simulan nang mag-adjust ng ‘body clock’ simula sa Hunyo 30.
Ayon mismo kay Duterte, aasahang hindi magbabago ang ‘working hours’ niya kaya tiyak ang mga presscon sa hatinggabi o madaling araw.
Aalisin na rin daw ang nakasanayang ‘prescreened’ o ‘advance questions’ dahil nakahanda si Duterte sa ano mang tanong huwag lang sa kanyang personal na buhay.
Pres’l yacht gagawing floating hospital ni Duterte