Friday , November 15 2024

No relocation, no demolition isusulong ni Duterte

BILANG proteksiyon sa mahihirap na komunidad sa bansa, isusulong ni President-elect Rodrigo Duterte ang patakarang no relocation, no demolition sa mga informal settlers.

Sinabi ni Duterte, sisikapin niyang maipatupad ang patakaran na magbabawal sa pagsasagawa ng demolisyon sa komunidad ng informal settlers kung walang maibibigay na relocation site.

Inaasahan ni Duterte, sa pamamagitan ng panukala ay maiiwasan ang madugong komprontasyon ng informal settlers at mga miyembro ng demolition team.

Dagdag niya, kailangan na ang ipagagawang mga proyekto sa isang lugar ay hindi makaaapekto sa nakatirang mahihirap na mamamayan.

Sakaling kailangan talagang magsagawa ng demolisyon sa lugar, dapat maglaan ng pondo ang investor para sa mga maapektohan.

Interes ng Filipino dapat mauna – Digong

IGINIIT ni President-elect Rodrigo Duterte, prayoridad niya ang interes ng mga Filipino sa tuwing gagawa siya ng mahalagang desisyon kaakibat ng kanyang posisyon.

Sinabi niya, hindi niya hahayaan ang sino man na bigyang kulay ang kanyang mga desisyon sa pamahalaan.

“Let me be very clear, my friendship with my friends ends where the interest of the country begins,” pahayag ni Duterte.

Kasunod ito sa pahayag ng kampo ng kanyang matagal nang kaibigan na si Pastor Apollo Quiboloy, sinasabing nagtatampo dahil mahirap na raw ngayon maabot at ma-contact ang incoming president.

Appointees hindi base sa impluwensiya

DAVAO CITY – Itinanggi ni President-elect Rodrigo Duterte na batay sa impluwensiya ng malapit na mga kaibigan at kasamahan sa politika ang kanyang appointees na mga miyembro ng kanyang gabinete.

Ayon kay Duterte, sarili niyang desisyon ang pagpili sa kanyang appointees at wala ni isa man na nag-impluwensiya sa kanya.

Dagdag ng outgoing mayor, nakikinig siya sa mga sinasabi ng kanyang kampo ngunit sa huli siya pa rin ang nagdedesisyon.

Ang loyalty na kanyang maibibigay sa kanyang supporters ay kahalintulad sa loyalty na kanyang ibibigay sa bansa.

Magugunitang dati nang inihayag ni Duterte na walang padrino system o palakasan sa kanyang administrasyon.

Nagsimulang maglabasan ang nasabing isyu nang kuwestiyonin ng ilang pamilya ng Maguindanao massacre victims ang pagkatalaga bilang cabinet secretary kay Atty. Salvador Panelo, abogado ng mga Ampatuan na itinurong utak sa karumal-dumal na krimen.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *