Monday , December 23 2024

Leni Robredo walang kredebilidad kung idedeklarang bise presidente (Hangga’t walang malinaw na system audit)

HABANG tumatagal ang proseso, lalong nawawalan ng kredebilidad ang sinasabing pag-ungos ni Liberal Party vice presidential bet congresswoman Leni Robredo laban kay Senator Bongbong Marcos.

Masasabi nating taya-pato ang LP sa isyung ito lalo’t marami na ang nagsasalita na may bahid ng manipulasyon at pandaraya ang pag-ungos ng kanilang bet na si Leni sa katunggaling si Bongbong.

Sa simula’t simula, kitang-kita na ang pag-arangkada ng manipulasyon na mula sa kawalan biglang pumasok ang ipinakomisyong survey ng televison network sa Pulse Asia.

Sa mga nasabing survey, una, si Leni ay pinalabas na statistically tied sa isa pang vice presidential bet na si Chiz Escudero. Kasunod nito, inungusan na si Escudero at sa huli idineklarang, statistically tied kay Bongbong.

Ang nagpakomisyon na TV network ang ABS CBN ay batid nang lahat na galit at bias laban sa mga Marcos.

Sa aktuwal na halalan, sa unang arangkada ng bilangan, sumirit ang boto ni Bongbong hanggang pakainin ng alikabok o mahigit sa isang milyong boto ang pumapangalawang si Leni.

Dito na pumasok ang eksenang pinalitan ng script ngSmartmatic personnel ang transparency server noong gabi ng May 9.

At pagkatapos ng nasabing tahasang pakikialam ng Smartmatic personnel na si Marlon Garcia, natuklasan na halos isang oras na hindi nag-transmit ng election result ang mga vote counting machines (VCMs).

Hanggang unti-unting nilamon ang mahigit isang milyong boto na lamang ni Bongbong kay Leni.

At lalo pang nagkaroon nang pagdududa nang lumabas sa ilang mga presinto na zero vote si Bongbong.

Wattafak!

Saan napunta ang boto ang INC, El Shaddai, OFW groups, retired generals, solid north, big 4 transport groups na FEJODAP, ACTO, PASANG MASDA at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP)?

Nagsalita na ang mga taga-Basilan tungkol sa pre-shaded ballots para sa boto ni Leni na nakita sa isang voting precinct na bantay-sarado ng mga armadong lalaki.

Ipinakita mismo sa news segment ng isang TV network ang video nito.

Inamin din ng isang nanalong kandidato sa nasabing lugar na walang naganap na botohan sa kanila dahil ang nangyari ang mga nakatalagang BEI ang nagpi-fill-up ng balota at sila rin ang nagsasaksak sa VCMs habang nakabantay ang mga armadong kalalakihan.

‘Yan na!

Hindi lang pala ang pakikialam ng dayuhang si Marlon Garcia sa transparency server ang isyu rito. Mayroon na rin palang isyu nang tahasang pakikialam sa ‘sagaradong boto’ ng mga mamamayan sa Basilan.

Kung teknikalidad ang pag-uusapan, mahirap itong gagapin ng isang pangkaraniwang mamamayan.

Pero hindi kayang burahin ng simpleng paliwanag na pinalitan lang ang script sa transparency server para sa letrang “ñ” ang pagdududa ng mga ordinaryong mamamayan.

Para malinawan ang lahat, dapat maglabas si Comelec Chairman Andres Bautista ng karagdagang impormasyon kaugnay ng  Automated Election System (AES) gaya ng transmission logs, white list (vote counting machines, USB devices, BGAN or Broadband Global Area Network); digitally-signed election returns (ERs), at public and decryption keys para mabuksan ang transmitted files.

Sa pamamagitan nito, malalaman ng publiko kung totoo ngang ‘cosmetic changes’ lang ang dulot ng ginawang paggalaw ng Smartmatic sa transparency server.

Kaya kahit anong pagmamadali ang gawin ng kampo ni Leni na maiproklama siyang bise presidente kahit hindi pa klaro ang lahat, lalabas na walang kuwenta ang kanyang panalo.

Lalabas na hindi siya halal ng bayan kundi ‘halal’ ng Comelec.

Ano ang mukhang ihaharap ni Leni sa taong bayan kung idedeklara siyang bise presidente pero hindi naman ito ang tunay na boses ng mamamayan?

Sakali mang ideklarang panalo si Leni bilang bise presidente, maging  kapani-paniwala kaya?

Kapag nagkataon, siya ay magiging pekeng vice president kahit iproklama pa siya ng Comelec.

Kung gusto ni Comelec Chairman Andy Bautista na maging tahimik ang kanyang pagreretiro sa Comelec at makabalik sa serbisyo publiko sa hinaharap, dapat niyang papanagutin ang mga nagmanipula sa nagdaang eleksiyon…

Lalo na ang mga dayuhang walang habas na lumapastangan sa ating eleksiyon at sa sagradong boto ng mamamayan.

Aksiyon, Chairman Bautista, huwang magpakaang-kaang laban sa mga bastos na dayuhan!

Chairman Andy, ikaw dapat ang unang tagapagtanggol ng aming boto. Huwag mong ikintal sa isip ng mamamayan na minsan ay may isang Comelec chairman na naging instrumento ng manipulasyon at dayaan para iupo ang isang gaya ni Leni.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *