Ang nakalululang P2.45-M Drafting of Cabuyao Public Private Partnership (ATTN: City Mayor, Atty. Rommel Gecolea)
Jerry Yap
May 23, 2016
Bulabugin
SARI-SARING feedback ang natanggap natin matapos nating ilahad ang issue tungkol sa napipintong pag-upo ni Atty. Liezel Villanueva, ang “Special Choice” ni incoming City of Cabuyao Mayor, Atty. Rommel Gecolea bilang kanyang City Administrator.
Tila hindi yata makaget-over ang mga Cabuyeño ng kanilang malaman na hindi pala nila co-constituent si Atty. Liezel.
Paano nga naman daw sila makakalapit doon kung isang orig na Pangasinense ang magpapatakbo ng kanilang minamahal na siyudad!
Tama nga naman!
Kami rin mismo ay nagulat nang isang legal na dokumento ang aming nakalap na naglalahad na si Atty. Liezel Villanueva ay dati nang naglingkod sa administrasyon ng natalong City of Cabuyao Mayor Isidro “Jun” Hemedez!
Weeh! Hindi nga?!
Ang nasabing incoming City of Cabuyao Administrator ay nagkaroon umano ng consultancy contract noong 2013 kay outgoing Mayor Jun Hemedez matapos siyang biyayaan ng kontrata para sa serbisyong “Drafting of Cabuyao Public Private Partnership!”
How lucky naman ni ateh este attorney?!
May paalam naman kaya kay Caloocan City Mayor Oca Malapitan tungkol sa raket na ito?!
Alam n’yo rin ba kung magkano ang halaga ng konsulta serbisyo niyang ito?
Tumataginting na 2.45 million pesos!
Sonabagan!
Parang tumama sa lotto!
Tila napakamahal naman yata ng nasabing proyekto considering na drafting lang naman ng agreement ‘yan!
Paano raw nangyari ang nasabing consultancy kung si Atty. Villanueva ay kasalukuyan noon na naglilingkod sa Caloocan City bilang Acting Chief of General Services Office?!
‘Di ba’t maliwanag na lagareng hapon ‘yan?!
And what happened to the said project??
Aware kaya ang Commission of Audit sa resulta ng “Drafting of Private Public Partnership” ek-ek na ‘yan?!
Ang nasabing proyekto ay naaprubahan noong panahon ni Mayor Hemedez at ngayon naman sa panahon ni Mel Gecolea ay muli na naman itong makikinabang sa kaban ng City of Cabuyao?!
Sabi nga ng ilang Cabuyeño, maikokompara raw pala sa isang bubuyog si Atty. Villanueva.
Kung saan may sariwang nektar, doon naghahanap ng dadapuan!
Araykupo!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com