Friday , November 15 2024

Paslit patay sa rape at bugbog ng stepdad (Sariling anak na sanggol nanigas sa gutom)

PATAY ang isang 3-anyos batang babae makaraan halayin at bugbugin ng kanyang stepdad habang namatay rin ang kapatid na sanggol dahil sa gutom sa Calabanga, Camarines Sur.

Naabutan ng mga pulis at social worker ang 5-buwan gulang sanggol na patay na sa tabi ng kanyang inang paralisado na si Catherine Lim sa kanilang bahay.

Habang agaw-buhay ang isa pa niyang anak na si Jennylyn na sa ospital na binawian ng buhay.

Hinala ng mga pulis, gutom ang ikinamatay ng sanggol.

Samantala, nakitaan si Jennylyn ng fracture sa ulo at mga paso ng sigarilyo at bali sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kuwento ni Lim, madalas silang saktan ng kinakasama niyang si Marlon Estefanio.

Inamin din niyang hinahalay ng suspek si Jennylyn sa harapan mismo niya.

Wala aniya siyang magawa lalo’t paralisado halos ang kalahati ng kanyang katawan makaraan ma-stroke habang isinisilang ang kanyang sanggol.

Dinala na sa Tinangis Penal Farm si Estefanio nitong Martes habang nasa pangangalaga ng pulisya si Lima na hindi pa makontak ang mga kamag-anak.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *