Friday , December 27 2024

Mataas na tuition fee at K-12 ng DepEd dapat aksiyonan din ni Digong

KUNG mayroon pang dapat unang aksiyonan si President-elect, Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, ‘yung kagyat na kagyat, walang iba kundi ang nagtataasang tuition fee at ang hanggang ngayon ay kontrobersiyal na K-12 program ng Department of Education (DepEd).

Una, ang mataas at taon-taon na tumataas na tuition fee sa private schools.

Sa taas ng tuition fee, marami ang naglilipatan sa public schools. Wala sanang problema sa paglipat sa public schools kung handa at maayos ang facilities, kaya lang, alam naman natin na tuwing pasukan ay malaking problema ng DepEd ang kakulangan ng classrooms, teachers at basic facilities para sa isang paaralan.

At alam ba ninyo kung paano ito sinolusyonan ng DepEd sa ilalim ni Secretary Armin Lusitro?!

Nag-alok ng P10,000 educational assistance sa mga estudyanteng hindi na raw kayang paaralin ng mga magulang sa private schools.

Halimbawa, kung nag-aaral sa isang private school at sinabi ng magulang na ililipat na niya ang anak dahil hindi na nila kaya ang tuition fee, agad silang ipapasok ng administration ng private school sa  program ng DepEd.

Halos ‘yang P10,000 po na ‘yan ay pinakamaliit na educational assistance, puwede pang tumaas.

Ibang klase ‘di ba?

Imbes iutos ng DepEd na huwag kayong magtaas ng tuition fee dahil maraming mga batang estudyante ang maaapektohan nagbigay pa ng offer na educational assistance mula rin sa pondo sa departamento.

Sa unang tingin, nakatutuwa, pero kapag sinuri, mukhang mayroong iregularidad.

Milyon-milyon ang pinag-uusapan nating budget dito. Kung kayang magpakawala nang ganyan kalaking budget ng DepEd bakit hindi ituon sa pagpapaunlad ng public schools?

Sa kolehiyo naman, ganoon din. Hindi rin makontrol ng CHED ang pagtataas ng tuition fee ng private colleges and universities.

Tapos magtataka ang gobyerno kung bakit maraming out-of-school youth o ‘yung tambay sa maghapon imbes nag-aaral?!

Hindi nga makapag-aral dahil mataas ang tuition fee! Mahirap bang intindihin ‘yun?!

Kaya kailangan, ibaba ni Mayor Digong ang tuition fee sa private schools, colleges and universities!

Ikalawa ang nakalilito at kontrobersiyal na K to 12 program ng DepEd.

Hirap na ngang magpaaral ang mga magulang sa apat na taon pa lang sa high school, dinagdagan pa ng dalawang taon na ang lumalabas, senior high school (SHS) kuno.

Pero, lumalabas ngayon na ang private schools lang ang SHS-ready.

Kaya after high school, lilipat na rin sa isang private school para sa senior high school.

In short, para na rin nag-college ‘yung bata.

Hindi ba’t marami ang mga magulang at mag-aaral na nalilito ngayon sa public schools?!

Akala nila, roon din sila magse-senior high school sa pinanggalingan nila (public school).

Pero hindi pala. Kailangan mag-apply sila sa mga eskuwelahan na nag-o-offer ng SHS at doon sila mag-aaral.

Ang siste, karamihan private schools.

Kaya malamang marami ang hindi rin makapag-enrol sa senior high school kaya matetengga na lang sila.

Anong trabaho ang puwedeng pasukan ng isang high school graduate sa panahon ngayon?

Wattafak!

‘Yan ba ang layunin ng DepEd sa pagpapatupad ng K to 12? Mas lalong dumami ang out of school youth?

Para raw makapag-enrol sa SHS, bibigyan ng VOUCHER ang mga galing sa public school.

Malaking budget na naman ‘yan. Milyon-milyon. ‘E bakit hindi pa ginamit ang milyon-milyon na ‘yan sa pagtatayo ng SHS facilities kung meron naman palang budget?!

Sonabagan!

President Mayor Digong, pakibusisi na nga po ‘yang DepEd SHS program na ‘yan dahil mukhang may kanya-kanyang kitaan diyan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *