Friday , November 15 2024

Ginang ginilitan ng albularyo, dugo sinipsip

NAGA CITY – Kritikal ang kalagayan ng isang matandang babae makaraan gilitan ng albularyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at sinipsip ang kanyang dugo sa Brgy. Cuco, Pasacao, Camarines Sur.

Ayon sa anak ng biktima na si Arlene Francisco, araw ng Linggo nang dumating sa kanilang lugar ang albularyong si Eupoldo Traste, 65, para gamutin ang kanyang paralisadong ina na si Rosalina Rivera.

Sinabi ni Arlene, ang boyfriend ng kanyang bunsong kapatid ang nagdala sa nasabing manggagamot sa kanilang lugar, na galing pa sa lalawigan ng Bulacan.

Pagdating sa kanilang bahay, agad nilapitan ng albularyo ang matanda at sinimulang gilitan ang iba’t ibang bahagi ng katawan mula ulo hanggang paa, saka sinisipsip ang dugo sa loob ng dalawang araw hanggang maghina ang biktima.

Bunsod nito, tumawag ng pulis ang pamilya at ipinaaresto ang suspek habang isinugod sa pagamutan ang biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *