MASUWERTE si Coleen Garcia dahil pagkatapos niyang maka-partner si Derek Ramsay Ex With Benefits, si Piolo Pascual naman ang makakatikiman niya sa pelikulang Love Me Tomorrow. Nakadalawang hunky actors na siya.
Tatlo pa ang tinatarget niya na maka-partner gaya nina John Lloyd Cruz, Coco Martin, at Paulo Avelino. Napapanood daw niya ang mga project ng mga ito at pawang magagaling.
Paano niya ikukompara si Piolo kay Derek pagdating sa love scene?
“Si Piolo kasi sabi niya sa akin hindi siya sanay sa love scene, si Derek naman ay sanay na sanay sa love scenes. Siguro one point kay Derek doon kasi pagdating sa love scene mas experience siya at marami akong natutuhan sa kanya,” tumatawa niyang pahayag.
‘Yun na!
TALBOG – Roldan Castro