Sunday , December 22 2024

6 pulis sinibak sa extortion, 4 pa sangkot sa hulidap

CAMP OLIVAS, Pampanga – Anim na pulis na nakatalaga sa Angeles City ang sinibak makaraan mapatunayan sa pangongotong sa isang US retired Air Force personnel, habang apat pang pulis ang iniimbestigahan dahil sa kasong hulidap sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman, agad sinibak ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, Police Regional Office-3 director, ang mga sangkot sa extortion at maaaring ipatapon sa Nueva Ecija, Aurora at Maguindanao, na sina Inspector Michael Rey Bernardo, PO3 Joseph Garcia, PO1 Jonathan Labao, PO1 Rafael Tagle, SPO2 Dionisio Rogue Jr., at SPO2 Gerry Fabia, pawang mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (SDU) ng Angeles City.

Ayon kay Chief Supt. Lacadin, noong Abril 1 ay inaresto ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDU) ng Angeles City ang isang US retired Air Force personnel na si Angelito Jose sa kasong illegal drugs.

Tatlong araw na nakulong si Jose at habang nasa piitan ay pina-withdraw siya ng personnel ng CDU sa BPI Bank nang halagang $US 1,900. Habang ang dalawang kapatid ni Jose ay nagbigay ng P50,000 sa mga tauhan ng CDU.

Samantala, hindi muna ibinunyag ni Chief Supt. Lacadin ang pangalan ng apat pang pulis na kasalukuyang pinaiimbestigahan dahil sa kasong hulidap noong Marso 12, 2016.

Ayon sa ulat, inaresto ng nasabing mga pulis si Adam Le Qually, isang foreigner, dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Upang hindi kasuhan ay humingi ang mga pulis ng halagang P45,000 kay Qually at sinundan pa ng halagang P3,000.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *