Friday , November 15 2024

Talent coordinator, tiklo sa swindling

ARESTADO ang isang 28-anyos lalaking freelance talent coordinator at marketing manager sa entrapment operation ng mga operatiba ng Manila Police District sa isang hotel sa Ermita, Manila kamakalawa.

Nakapiit na sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang suspek na si Ray Mark Amit, residente ng Bunga Don Salvador Benedicto, Negros Occidental, at empleyado ng Xniper Event and Marketing Management.

Inaresto ang suspek makaraan magreklamo ang isang Gerome Hernandez, 19, estudyante ng De La Salle University, at naninirahan sa 2100 New Panaderos St., Sta. Ana, Manila dahil sa paghingi ng malaking halaga ng pera para mai-book ang local band na “Sponge Cola” at paghahanap ng sponsor para sa isang party event project nila sa kanilang unibersidad.

Sa ulat ni PO3 Jay-Jay Jacob, nadakip si Amit sa entrapment operation sa harap ng Waterfront Manila Pavillion sa United Nations Avenue, sa Ermita dakong 10 a.m.

Sa imbestigasyon ng pulisya, unang humingi ang suspek sa biktima ng P60,000 nitong Abril ngunit nakapagdeposito lamang ang estudyante ng P36,000 sa BPI bank bilang inisyal na bayad kay Amit para sa pag-book sa nabanggit na banda at paghahanap ng sponsor para sa kanilang school event.

Ngunit nang kausapin ng biktima ang road manager ng banda ay itinangging nakipagtransaksiyon sa kanila ang suspek at wala ring naipresenta sa kanila na sponsor.

About Leonard Basilio

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *