Sunday , December 22 2024

Disqualification case inihain ni Lim vs Erap (Proklamasyon ipinakansela)

HINILING ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Comelec ang pag-disqualify at pagkansela sa proklamasyon kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang alkalde ng lungsod.

Kabilang sa respondents sa 16-page petition na inihain ni Lim, kasama ang kanyang mga abogadong sina Atty. Renato dela Cruz at Atty. Salvador Moya, sina Estrada at mga miyembro ng city board of canvassers (CBOC) ng Manila na sina city election officer Anthonette Aceret, City Prosecutor Edward Togonon at City Schools Superintendent Wilfredo Cabral.

Habang naghahain ng reklamo si Lim, nagtipon-tipon ang kanyang mga supporter sa labas ng tanggapan ng Comelec at binabatikos si Estrada, ang Comelec at ABS-CBN, at tiniyak kay Lim na itutuloy nila ang paglaban para sa parehas na eleksiyon.

Ang petisyon para idiskwalipika si Estrada ay base sa sinasabing malawakang vote-buying na naganap bago ang May 9, 2016 elections, habang ang hiling na pagpapawalang-bisa sa proklamasyon ay dahil ang city board of canvassers ay illegal na isinagawa ang pagbilang ng mga boto na labag sa probisyon ng Republic Act 9639 at Resolutions 10050 & 10083.

Sinabi sa petisyon, “…despite non-compliance with the provisions of law on canvassing on the basis of the certificate of canvass and proclamation, proclaimed… Estrada as winner in the election…”

Sinabi nina Dela Cruz at Moya, si Estrada ay nagsagawa nang malawakang vote-buying at illegal disbursement ng public funds bago ang May 9 elections upang lumaki ang tsansang makatanggap ng maraming boto.

Kabilang sa mga insidente ang sinasabing pamimigay ni Estrada ng 7,532 tablets para magamit ng teaching and non-teaching personnel ng Maynila na naganap sa San Andres Sports Complex.

Gayondin ang pagbibigay ng food subsidy sa 150,000 senior citizens sa porma ng food items na nagkakahalaga ng P350 per bag, sa kabuuang halagang P52 milyon.

Ipinunto sa petisyon, bagama’t naaayon sa city council resolution ang pagkakaloob ng food subsidy na may petsang Marso 17, 2016, sinab ni Dela Cruz, lumalabas na ‘antedated’ ang pamamahagi nang batches na isinagawa mula Marso at Abril o ‘sa pagsisimula ng campaign period.’

 “Even if the distribution was made before the start of the campaign period… the same is nevertheless prohibited in the light of the provisions of Section 104 of the Omnibus Election Code… obviously, the dole-outs made by…Estrada…is not customary nor habitually made as they were done for the first time since he became Mayor of Manila in 2013 for the sole purpose of enhancing his candidacy for reelection…”

Ipinunto rin sa petisyon, imbes sa Ninoy Aquino Stadium isinagawa ang canvassing gaya noong 2010 at 2013, ang May 9 canvassing ay isinagawa sa unang pagkakataon sa Rizal Memorial Coliseum na ang resulta ay “never transmitted by electronic means because, as insisted by the… board of canvassers, there was no signal… which prevented the transmission of the results by electronic means.”

Ilang watches ang nakakuha ng video, nagpapakita na ang plug ng receiver ng consolidated canvassing system (CCS) na maaaring dahilan ng ‘no signal’ ay nakatanggal sa extension cord sa likod ng canvassing table na binabantayan ng dalawang watchers na nakasuot ng Comelec-issued IDs, ayon kay Dela Cruz.

Inilarawan nina Dela Cruz at Moya ang ‘kakila-kilabot’ na dakong 7 p.m., ipinalabas ng ABS-CBN na nagmo-monitor sa electronic canvass, ang partial result sa pagka-alkalde sa Maynila, na si Lim ay nakakuha ng 32,178 votes habang si Estrada ay nakakuha ng 162,677, bagama’t ang CBOC ng Maynila ay hindi pa sinisimulan ang canvassing nang mga oras na iyon.

Ipinunto rin na ang canvassers ay mano-manong ini-upload ang SC cards na dinadala sa venue ng sinasabing mga guro ‘from time to time’ at ipinakikita ng board sa monitor ang total ng mga boto na binibilang sa pamamagitan ng manual uploading at hindi mula sa electronic transmission. Hindi rin inabisohan ang publiko kung bakit walang nagaganap na transmission at ang kaparehong dahilan na ‘no signal’ ang ulat na ibinibigay sa counsels ng CBOC.

“…the alleged no signal state… was a convenient excuse to give enough time to some unscrupulous members of the BEI who were recipients of tablets, to manipulate, later or modify the data in the SD cards before surrendering them to the reception and custody group,” ayon sa petisyon, ipinuntong ang SD cards at kasamang election paraphernalia ay nakarating na sa canvassing venue ng madaling-araw ng Mayo 10 hanggang pasado 12 p.m.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *