Monday , May 12 2025

7 sundalo sugatan sa grenade attack sa Jolo

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang pitong kasapi ng Army Scout Ranger makaraan pasabugan ng granada ang sinasakyan nilang military truck sa Marina St., Brgy. Walled City, Jolo sa lalawigan ng Sulu kahapon.

Kinilala ang mga sugatan na sina Sgt. Zandro Sambrano, S/Sgt. Ferdinand Bisnar, Cpl. Juanito Taguiam Jr., Cpl. Arth Manatad, Cpl. Arnel Pascual, Cpl. Louis Limmayog at Cpl. Calpasi Olli.

Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), dakong 5:28 a.m. nang hagisan ng granada ang 6-by-6 truck sakay ang 10 sundalo ng 10th Scout Ranger Company (SRC) na nakabase sa Bud Datu, Brgy. Tagbak sa munisipyo ng Indanan.

Ayon kay Tan, pabalik na sana ang mga sundalo sa kanilang headquarter mula sa Jolo port makaraan sunduin ang kanilang mga kasamahan nang mangyari ang pagsabog.

Isinugod ang mga biktima sa Military Trauma Hospital ngunit inaasahang dadalhin sila sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng WestMinCom sa Zamboanga City.

Sinabi ng opisyal, grupo ng bandidong Abu Sayyaf ang posibleng nasa likod nang pagsabog.

Patuloy ang pagtugis ng PNP at militar sa mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo na tumakas sa hindi pa matukoy na direksiyon.

About Hataw News Team

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *