Friday , November 15 2024

Carlo J. Caparas ipinaaaresto ng CTA

IPINAAARESTO ng Court of Tax Appeals ang direktor na si Carlo J. Caparas kaugnay sa panibagong set ng tax evasion case na inihain laban sa kanya ng Department of Justice (DoJ) noong nakaraang buwan.

Nag-isyu ang CTA Second Division ng warrant of arrest sa tinaguriang national artist dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) bunsod ng kabiguang maihain ang kanyang taunang income tax return (ITR) para sa taon 2008 at 2009.

Pinagbabayad ang 57-year-old director ng P40,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Batay sa imbestigasyon ng Tax Court, may nakita silang probable cause upang arestohin si Caparas.

Una rito ay sumasailalim na sa paglilitis si Caparas kaugnay sa hindi niya paghahain ng Value-Added Tax returns simula 2006 hanggang 2009.

Nasa mahigit P100 milyon ang hinahabol na buwis ng BIR sa batikang direktor.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *