Friday , November 15 2024

‘Vote buying’ laganap — CBCP, UP, DLSU prof

LAGANAP ang vote buying, ito ang nag-iisang reaksiyon ng simbahan, academe at civic groups sa nakaraang halalan nitong Mayo 9.

Sa Tapatan sa Aristocrat, nagkaisa sa kanilang mga pahayag sina dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Oscar Cruz, University of the Philippines (UP) mass communication professor Dr. Danilo Arao, De La Salle University (DLSU) associate professor Richard Heydarian at Philippine LaRouche Society chairman Antonio ‘Butch’ Valdez.

Ayon kay Cruz, hayagan ang nakita niyang pamimili ng mga boto ng mga taong sumusupota sa ilang kandidato at may ilan din mga opsiyal ng administrasyon na sila mismo ang nag-aabot sa mga botante sa iba’t ibang lugar sa bansa, partikular sa Metro Manila.

Ganito rin ang reaksiyon ni Arao na nagsabing kung hindi man umano pamimili ang ginawa ng ilang kandidato ay ginamitan naman ng intimidation at pananakot ang mga botante para mapilitang iboto ang mga piling politiko.

Sinusugan ito ni Heydarian na sa kabila ng tunay na na-ging maayos, mapayapa at kapani-paniwala ang eleksiyon, nabigo pa rin ang Smartmatic sa kanilang tungkulin na maalis sa kaisipan ng mamamayn ang bahid ng pagdududa sa proseso ng halalan ngayong 2016.

Sa panghuli, sinabi ni Valdez na ikinatuwa ng mga ne-gosyante ang lumaganap na pamimili ng boto dahil nagresulta ito sa magandang takbo ng kani-kanilang negosyo bukod umano ang tanging pagkakataon na nararamdaman ng sambayanan  ang tunay na ‘trickle down effect’ ng ekonomiya.

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *