Sunday , December 22 2024

Negosyante patay  sa ambush sa Kyusi (2 sugatan)

PATAY ang isang negosyante habang dalawa ang sugatan makaraan tambangan ng riding in-tandem kahapon ng hapon sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Sa ulat kay Quezon City Police District-Kamuning Police Station 10 chief, Supt. Pedro Sanchez, kinilala ang biktimang si Ferdinand Lopez, residente ng Tivoli Subd., Almadela St., Old Balara, Quezon City.

Habang ang mga sugatan ay sina Jericho Ricafort at Richard solis, kapwa nakaratay sa East Avenue Medical Center.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 3:10 p.m. nang maganap ang insidente sa kanto ng BIR Road at East Avenue, Brgy. Pinyahan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng kotseng Toyota sakay ang tatlong biktima, ang East Avenue patungong EDSA mula sa court hearing sa Quezon City Regional Trial court nang tambangan sila ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo pagdating sa kanto ng BIR Road at East Avenue.

Pinuntirya ng gunman na nakaangkas sa motorsiklo, ang passenger seat sa harapan na si Lopez ang nakaupo habang ang driver at isa pang nakaupo sa likuran ay tinamaan din.

Si Lopez ay nahaharap sa kasong estafa sa QCRTC Branch 91 na isinampa ng isang nagngangang Joan, kasalukuyang nakakulong sa Bacolod City jail sa kasong qualified theft na isinampa laban sa kanya ni Lopez.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), para malaman ang motibo sa pananambang.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *