Friday , November 15 2024

Kelot naglinis ng balon nalunod

LA UNION – Nalunod ang isang 36-anyos lalaki  habang nililinis ang isang balon sa lungsod ng San Fernando, La Union kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Michael Pimentel, residente ng Brgy. Cabaroan.

Batay sa salaysay ng kanyang mga kasamahan, ipinatawag sila kahapon ng kanilang kamag-anak na si Edna Fusilero upang maglinis sa loob ng balon na may lalim na 30 hanggang 40 talampakan.

Habang nasa loob ng balon ang biktima ay napansin na lamang ng mga kasama niya na hindi na gumagalaw ang lubid na nakatali sa kanyang beywang at hindi na rin umiimik.

Agad sumaklolo ang mga tauhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) hanggang maiahon ang biktima makalipas ang isang oras.

Dinala siya sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa doktor, namatay ang biktima dahil sa respiratory arrest secondary to drowning.

Sinasabing lasing ang biktima nang lumusong sa balon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *